Just In

Calendar

November 2024
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  
Suarez

Mga senador sarap buhay?—Rep Suarez

Mar Rodriguez Feb 1, 2024
108 Views

BAKIT yung Senado masarap ang buhay?”

Ito ang itinanong ni House Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez ng Quezon kay Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. sa isang press briefing sa Kamara de Representantes noong Martes.

Sagot naman ni Gonzales, “Alam mo, bakit hindi eh itong Constitution na ito, 1987 Constitution parang talaga sila ang—I’m not saying nag-e-enjoy sila.”

“Tingnan mo ha, comparative, kung narinig ninyo si Cong. Ace Barbers kahapon from congressman, governor down the line, 3 years lang kami. 2 (re)election, 3 termino,” ani Gonzales.

“Tingnan nyo yung mga senador: ang senador ay may 6 na taon sa isang termino tapos meron pa silang reelection na isang termino—bale 12 taon. Kaya po masarap di ba? Bakit di masarap, kung halimbawang midterm ka, me election ng national, president at vice president, you can run for vice president or vice president. Kung matatalo ka pwede kang maging senador ulit. Di po naming kinukwestyon yun dahil nasa batas naman yun. Kapag natapos yung 12 years nila magpapahinga lang sila for 3 years and then they will go back as senators,” dagdag pa nito.

Hindi katulad ng mga senador, ayon kay Gonzales ang mga kongresista ay kailangang magpahinga ng isang termino o tatlong taon matapos magsilbi ng tatlong termino o siyam na taon.

“Pero anong sinabi ni (Christian) Monsod, Commissioner Monsod—during our hearing—kailangan yung senador pag natapos yung 12 years nila kailangan magpahinga sila 6 years pero nagpapahinga lang sila 3 years,” wika pa ni Gonzales.

Ayon kay Gonzales posible umanong naiisip ng mga senador na mabubuwag ang Senado o mapapaki-alaman ang kanilang termino kapag inamyendahan ang Konstitusyon.

“Yung abolition mawawala ang Senado, kung naririnig ninyo po ako guni-guni nyo lang po ninyo yun. Wala po sa isip namin yun, wala sa isip ni Speaker yun, wala sa isip ng mga congressman yun,” saad pa nito.

Tugon naman si Suarez, “Tama naman si SDS. Kasi yun din ang contention ko, dina-divert nila yung attention na perpetuating in power, may political intention ito, eh ibabalik ko rin naman sa kanila. Baka kaya ayaw ninyo kasi yung pulitika ninyo nangangamba kayo, natatakot kayo kasi masarap ang buhay.”

Iginiit naman ni Suarez na ang isinusulong lang ng Kamara ay pag-amyenda sa economic provisions.

Sumang-ayon naman si Bataan Rep. Geraldine Roman kay Suarez.

“It’s a sentiment shared by so many congressmen and congresswomen. Masakit kapag malinis ang hangarin mo pero pinaghihinalaan ka at pinaparatangan ka ng kahit ano-ano. Judgemental much. Di naman dapat ganun ano,” ani Roman.

“Di lang naman kayo ang nagmamahal sa bayan. Di naman komo kayo senator at kami’y hamak na congressman lamang e ganun ho ang iisipin ninyo. Walang ganunan. Galangan lang po tayo.

Nobody has an exclusive hold or a monopoly of love of country and respect for the constitution. When you want to improve or level up the constitution that doesn’t mean you don’t love the constitution. We love the constitution,” giit ni Roman.