Kuwento ng mga kabit, babaeng bayaran
Nov 23, 2024
Kathryn tumanggag ng award sa LA
Nov 23, 2024
Calendar
Overseas Filipino Workers
Magsino nag-donate ng pagkain, air purifier sa OFW Lounge
Mar Rodriguez
Feb 8, 2024
143
Views
BILANG kinatawan ng mga Overseas Filipino Workers. Hinahangad ni OFW Party List. Cong. Marissa “Del Mar” P. Magsino na mas lalo pang mabigyan ng maganda at nararapat na serbisyo ang mga OFW’s habang naghihintay ng kanilang “flight” sa bagong bukas na OFW Lounge.
Sinabi ni Magsino na nag-donate siya ng mga pagkain, air purifiers at iba pang mga kagamitan para mapakinabangan ng mga OFWs habang naghihintay sila ng kanilang flight sa loob ng bagong bukas na OFW Lounge na matatagpuan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 at 2.
Nabatid ng People’s Taliba kay Magsino na binisita nito kamakailan ang inauguration ng OFW Lounge sa NAIA Terminal 1. Kung saan, sa ginaganap na inauguration ay nag-donate ang kongresista ng apat na unit ng high-grade plasma air purifier para mapabango ang paligid nito at mga pagkain.
Ayon kay Magsino, ang kaniyang naging inisyatiba ay para ipakita sa mga OFWs ang kaniyang taos pusong pagpapasalamat sa hindi matatawarang sakripisyo at pagpupunyagi ng mga OFWs. Hindi lamang aniya para sa kani-kanilang pamilya bagkos para sa bansa sa pamamagitan ng kanilang remittances.
Idinagdag pa ng kongresista na ang kaniyang inisyatiba ay alinsunod din sa isinusulong nitong advocacy para maitatag ang OFW Lounge sa lahat ng international airport sa buong Pilipinas na nabigyan naman ng diin noong isinasagawa ang budget deliberations sa Kamara de Representantes.
Sinabi pa ni Magsino na naisakatuparan ang kaniyang advocacy o adhikain para sa mga OFWs dahil narin sa pakikipag-ugnayan nito sa mga ahensiya ng pamahalaan kabilang na ang Department of Migrant Workers (DMW).
“We are glad that a daily average of one thousand OFWs are able to use the OFW Lounge nad being served with free food and drinks, essential amenities, WI-FI connectivity, charging docks and a paging system. It was a dream turned into reality. Naisakatuparan ang ating adhikain para sa mga OFWs,” ayon kay Magsino.
Magsino nakiisa sa pagbubukas ng WTM sa London
Nov 14, 2024