Just In

Calendar

November 2024
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  
Valeriano

Pag-repaso sa charter ng PhilHealth pabor kay Valeriano

Mar Rodriguez Feb 14, 2024
115 Views

Valeriano1Valeriano2Valeriano3PINABORAN ni Manila 2nd Dist. Congressman Rolando “CRV” M. Valeriano ang naging direktiba ni House Speaker Martin Gomez Romualdez matapos nitong ipag-utos ang pagpapa-repaso ng House Committee on Health sa Charter ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Naniniwala si Valeriano, chairman ng House Committee on Metro Manila Development, na mas lalong mapapabuti at mapapaganda ang benepisyo para sa mga miyembro ng PhilHealth o beneficiaries kapag sinimulan ng Committee on Health ang pagre-repaso sa charter ng PhlHealth.

Ayon kay Valeriano, sinusuportahan nito ang nais ni Speaker Romualdez na maitaas sa 50% ang babayaran ng PhilHealth sa bill ng isang pasyente sa ospital kung saan sila na-confine. Kabilang na dito ang gawing libre ang pagpapasuri para mabilis na matukoy ang mga nakakamatay na sakit.

Dahil dito, binigyang diin ni Valeriano na napakalaking tulong para sa mga mahihirap na mamamayan ang gagawing pag-repaso sa charter ng PhilHealth sapagkat tiyak na mas maraming Pilipino indigent ang mapagsisilbihan partikular na ang mga pasyenteng may iniindang matinding karamdaman.

Sinabi ng Manila solon na isang reyalidad na karamihan ng mga maysakit sa Pilipinas ay nagmumula sa mga mahihirap. Habang ang ilan naman sa kanila ay walang kakayahang magpagamot bunsod ng kakapusan nila sa pananalapi kaya’t umaasa na lamang sila sa tulong ng pamahalaan.

Idinagdag pa ni Valeriano na tama ang naging pahayag ni Speaker Romualdez na dapat sikapin ng PhlHealth na maging isang Health Maintenance Organization (HMO) na ang nakatuon sa pangangalaga ng kalusugan ng mga mahihirap na Pilipino sa halip na mas tutukan nila ang paglalagak ng kapital sa mga bangko.

Samantala, pinasalamatan naman ni Valeriano si Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. matapos nitong bumisita sa kaniyang distrito para kamustahin ang kalagayan ng kaniyang mga kababayan.