Pimentel

Pimentel tinukuran subpoena laban kay Quiboloy

108 Views

IPINAGTANGGOL ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel ang desisyon ng House Committee on Legislative Franchises na ipa-subpoena ang televangelist na si Pastor Apollo Quiboloy, ang lider ng Davao-based religious group na Kingdom of Jesus Christ.

Ang subpoena ay ipinalabas upang mapilitan si Quiboloy na dumalo sa pagdinig ng komite kaugnay ng panukala na ibasura ang prangkisa ng Swara Sug Media Corp., na nago-operate ng Sonshine Media Network International (SMNI) dahil sa iba’t ibang paglabag.

Sinabi ni Pimentel, vice chair ng komite na mahalaga ang pagharap ni Quiboloy sa pagdinig upang masagot ang mga katanungan ng mga mambabatas sa kanya.

“We deemed it necessary to compel Pastor Quiboloy’s attendance at the next hearing. He is the main actor in this inquiry, and there are numerous questions that demand his clarification, particularly regarding the ownership of Swara Sug,” sabi ni Pimentel sa panayam ng Headstart ng ANC kamakailan.

Ayon kay Pimentel, tumaas ang pagkadismaya ng mga mambabatas sa pagkabigo ni Quiboloy na humarap sa mga nakaraang pagdinig ng komite.

“On December 5, we invited Pastor Quiboloy to attend the hearing on December 11. However, he was a no-show. Again, he did not show up for [the February 7] hearing,” sabi ni Pimentel.

Isa umano sa dapat malinawan ay kung sino ang totoong may-ari ng Swara Sug.

“There are critical issues at stake, especially regarding the ownership of Swara Sug, which necessitate clarification,” sabi ng solon.

Sa huling pagdinig, sinabi ng abugado ng SMNI na si Mark Tolentino na si Quiboloy ay “honorary chairman” ng network at walang kinalaman sa raw-raw na operasyon nito.

Pero batay sa mga dokumento na nakita ng mga kongresista, si Quiboloy ang “beneficial owner” ng Swara Sug at SMNI.