Martin5

30 kongresista mula sa Metro Manila nagkaisa sa pagsuporta kay Speaker Romualdez

Mar Rodriguez Feb 15, 2024
361 Views

IPINAGTANGGOL ng 30 kongresista mula sa 14 na siyudad ng Metro Manila si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez laban sa walang basehan alegasyon ng mga senador kaugnay sa isinusulong na pag-amyenda sa restrictive economic provisions ng Konstitusyon na naglalayong paramihan ang mga dayuhang mamumuhunan sa bansa.

“Let it be said, here and now, that we the undersigned Representatives from the National Capital Region denounce efforts to foment disunity in our nation! We call on all to respect each other’s positions and the voices of our citizens and their inalienable right to be heard,” ayon sa nagkakaisang pahayag ng mga mambabatas.

Sa tatlong pahinang “Statement of Solidarity,” pinagtibay ng mga mga kasapi ng Kamara de Representantes ang pagtataguyod sa karapatan na itinatadhana sa Saligang Batas,” dahil ang tibay ng demokrasya ay nakasalalay sa “di-mababagong karapatan ng mga tao na iparinig ang kanilang tinig.

“Hearing the clamor of our constituents, we express our undaunted support for Speaker Romualdez who champions the efforts of the public for a lively discourse on the issues besetting the future of our Republic,” they said, reassuring the public they will always “uphold freedom of expression.”

Pinuri din ng administration legislators ang ipinakitang pagmamalasakit ng pinuno ng Kamara na nakikinig sa hinaing ng mga tsuper at opereytor, gayundin ang pagtiyak na naipapatupad at napapakinabangan ng mga senior citizen, solo parents at person with disabilities ang mga benepisyo at diskwento na naakma para sa kanila.

Binanggit pa ng mga mambabatas sa Metro Manila ang patuloy na pagsisikap ni Speaker Romualdez na tugunan ang pangangailangan ng kanilang mga distrito, ang pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay, tinig ng masa at tagapagtaguyod ng iisang layunin.

“We sign this unequivocally in support of the citizens we represent, in support of Speaker Romualdez who has been a Speaker for all and a Speaker of the Nation!” ayon pa sa nagkakaisang pahayag ng mga mambabatas.

Kabilang sa mga lumagda sa pahayag ng pagsuporta sina Reps. Oscar Malapitan, Mary Mitzi Cajayon-Uy at Dean Asistio ng Caloocan; Romulo “Kid” Pena Jr. at Luis Campos Jr. ng first at second district ng Makati.

Kasama din sina Rep. Toby Tiangco ng Navotas, Rep. Neptali “Boyet” Gonzales II ng Mandaluyong, at Rep. Antonino Calixto ng lone district ng Pasay.

Lumagda din sa pagsuporta sa liderato ni Speaker Romualdez ang ang anim na kongresista ng Maynila na sina Rep. Ernesto Dionisio Jr., Rep. Rolando Valeriano, Rep. Joel Chua, Edward Vera Perez Maceda, Rep. Irwin Tieng at Rep. Bienvenido Abante, na kumakatawan sa una hanggang ikaanim na distrito ng Maynila.

Gayundin ang anim na kinatawan mula sa Quezon City na sina Rep. Juan Carlos “Arjo” Atayde, Rep. Ralph Wendel Tulfo, Rep. Franz Pumaren, Rep. Marvin Rillo, Patrick Michael “PM” Vargas, at Rep. Ma. Victoria Co-Pilar – mula sa una hanggang ikaanim na distrito, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Lumagda din pahayag ng pagsuporta na sina Rep. Ricardo Cruz Jr. at Amparo Maria Zamora ng una at ikalawang distrito ng Taguig-Pateros, gayundin ang kinatawan ng lone districts ng San Juan at Pasig – na sina Rep. Ysabel Maria Zamora at Rep Roman Romulo.

Kabilang pa sa mga lumagda bilang pagsuporta kay Speaker Romualdez sina Rep. Marjorie Anne Teodoro, at Stella Luz Quimbo mula sa una at ikalawang distrito ng Marikina Marikina; Rep. Edwin Olivarez at Gus Tambunting ng una at ikalawang distrito ng at Rep. Jaime Fresnedi ng Muntinlupa City.