E. Rodriguez JR.

10 Outstanding Alumni ng ERJHS pararangalan

854 Views

BIBIGYAN ng parangal ng Eulogio Rodriguez Jr. High School (ERJHS) ang 10 “Most Outstanding Alumni” sa gaganaping 72nd Foundation Day and Grand Alumni Homecoming sa Feb. 23-25.
Ang 10 awardees ay sina Philippine Navy Commodore Albert Mogol ng Batch 78 (military service), Monchie’s Lechon owner-manager Ramon Ferreros ng Batch 73 (business), Tany Joe “TJ” Calalay ng Batch 95 (public service), Sct. Roberto Castor at Castor family (scouting), Lorenzo sisters (education), Jess Asistin ng Batch 76 (alumni affairs), People’s Tonight Sports Editor Ed Andaya ng Batch 81 (journalism), Eric David ng Batch 71 (community service), Philippine National Police Lt. Col. Emmanuel Gomez ng Batch 88 (public service) at dating Bureau of Fire Protection Chief Gen. Enrique Linsangan of Batch 69 (public service/posthumous).

Ang recognition ceremony sa Feb. 23 ay magsisilbing isa sa mga highlights ng tatlong araw na pagdiriwang na itinataguyod ng ERJHS Alumni Association sa pakikipagtulungan ni ERJHS Principal Gina Labor Obierna at school community

Ang iba pang mga kagsnapan ay ang Alumni Retro Night, na tatampukan ng Righteous Act Band, na pinangungunahan ni Jay Tuangco ng Batch 87; ang ERJHS Alumni Sports Club 3×3 basketball tournament; ang Batch 76 Zumba event; at sing at dance presentation ng mga kalahok na batches.

Magpapakitang gilas din ang mga ERJHS students, sa pangunguna ng award-winning Kalinangan Dancers ni Dante Ballesteros at Choral Group at iba pang field demonstrations.

Ang naturang pagtitipon ay bahagi ng paghahanda ng ERJHS sa nalalapit na Diamond Anniversary celebrations sa February, 2027.