Martin

PBBM pinuri ni Speaker Romualdez

153 Views

Sa mga batas na nagbibigay ng benepisyo sa seniors, pagpapalakas ng Pinoy products

PINURI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagsasabatas ng dalawang panukala para sa mga matatanda, at lokal na produkto na nagpapakita ng walang sawang pagsusulong nito sa kapakanan at kasaganaan ng lahat ng Pilipino.

Nilagdaan ni Pangulong Marcos ngayong araw ang Republic Act (RA) 11981 o ang Tatak Pinoy Act; at ang RA 11983 o ang An Act Granting Benefits to Filipino Octogenarians and Nonagenarians.

“The enactment of RA 11981 and RA 11982 reflects President Bongbong Marcos’ unwavering commitment to prioritizing the welfare of our citizens, particularly the elderly, while concurrently advancing the growth and sustainability of local industries,” ani Speaker Romualdez, lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro.

“We commend President Marcos for his resolute leadership and unwavering dedication to furthering the welfare and interests of the Filipino people. These legislative victories underscore our shared determination to construct a more prosperous and inclusive nation for future generations,” dagdag pa nito.

Kinilala ng lider ng Kamara ang pagsasabatas ng Tatak Pinoy Act, kung saan isa siya sa mga pangunahing may-akda, bilang isang mahalagang hakbang para mapa-unlad ang lokal na industriya at madala ang mga produktong gawing Pilipinas sa iba pang bahagi ng mundo.

“The President’s vision for a dynamic and competitive local market is evident in this legislation, aimed at stimulating economic growth and fostering opportunities for our indigenous businesses,” sabi pa ni Speaker Romualdez.

Itinatatag ng bagong batas ang Tatak Pinoy Council na siyang gagawa ng isang komprehensibong istratehiya sa pagbuo, pagpopondo, at pagpapatupad ng Tatak Pinoy Strategy, na layong paramihin ang produksyon at isulong ang de-kalidad na produktong gawa sa Pilipinas.

Maliban dito, binibigyang prayoridad ng Tatak Pinoy Act ang inklusibong pag-unlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagbibigay suporta sa mga napag-iiwanang sektor, gaya ng maralita, maliliit na magsasaka, indigenous communities, at micro, small, and medium-sized enterprises (MSMEs).

“The enactment of the Tatak Pinoy Act marks a significant milestone in our efforts to empower Filipino enterprises and drive sustainable economic development. Together, we will harness the potential of our workforce and propel our nation towards greater prosperity,” ani Speaker Romualdez

Pinuri rin ng Speaker si Pangulong Marcos sa paglagda nito sa panukala na magbibigay ng P10,000 cash gift sa mga Pilipino na aabot sa mga edad na 80, 85, 90 at 95 at ang pagtatatag ng Elderly Data Management System.

Pinalawig ng batas na ito ang benepisyo sa ilalim ng RA 10868 o ang Centenarians Act, na nagbibigay ng P100,000 cash gift sa mga aabot sa edad na 100-taong gulang.

Ayon kay Speaker Romualdez ang pagsasabatas ng RA 11982 ay nagpapakita ng pagkilala ng administrasyong Marcos sa hindi matatawarang kontribusyon at sakripisyo ng mga matatanda para sa bansa.

“Our esteemed elderly citizens have dedicated their lives to the betterment of our nation, and it is our solemn duty to ensure they receive the care and support befitting their legacy,” sabi ni Speaker Romualdez.

“RA 11982 stands as a testament to our unwavering commitment to honoring their indelible contributions and safeguarding their well-being,” dagdag pa nito.