Martin

Kamara suportado direktiba ni PBBM na palakihin pondo ng mga LGU

233 Views

TINIYAK ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan ang suporta ng Kamara de Representantes sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na palakihin ang pondo ng mga local government units (LGU).

“Ang utos ng ating Pangulo: gawin lahat ang nararapat at kailangan para makinabang ang inyong mga komunidad sa pag-unlad ng buong bansa,” ani Speaker Romualdez na dumalo sa general assembly ng League of Municipalities of the Philippines (LMP), na pinamumunuan ni Mayor Joseph Bernos ng La Paz, Abra, na ginanap sa Marriott Hotel in Pasay City.

Ang pagtitipon ay nakatuon sa paksang, “Sustainable Development Goals’ (SDGs’) Localization: Pathway to Sustainable Municipal Development.” Ang SDG ay ang 17 global goals na itinakda ng mga bansang kasapi ng United Nations bilang roadmap sa pagpapanatili sa mundong ang lahat ay maaring mamuhay sa kapayapaan, kasaganaan at may karangalan.

Sinabi pa ni Speaker Romualdez na ang Kamara ay maglalaan ng mas malaking pondo sa LGU bilang pagkilala sa Mandanas ruling ng Korte Suprema, na nagpapalaki sa bahagi ng mga lokal na pamahalaan mula sa pambansang buwis.

“This ruling signifies a transformative shift, aimed at enhancing the fiscal autonomy of LGUs, thereby empowering you to better address local developmental needs. The 2024 budget reflects this change, ensuring a larger portion of the national tax allotment (NTA) is directed to local governments,” ayon pa sa pinuno ng Kamara.

Ang mas malaking pondo ayon pa kay Speaker Romualdez ay makakatulong sa mga LGU sa paglalaan din ng pondo sa mga kinakailangang proyekto para sa pag-unlad na mahalaga sa isinusulong ng SDG.

“However, it must be recognized, per instruction of President Ferdinand Marcos Jr. to the Speaker, that the windfall from the Mandanas ruling, though substantial, is not sufficient to fully meet the developmental needs of local government units,” ayon pa kay Romualdez.

Binigyan diin pa ng pinuno ng Kamara de Representantes na ang Executive Department, sa pamamagitan ng Kongreso ay nakahanda sa pakikipagtulungan sa pagtukoy at paghahanap ng mapagkukunang pondo na kinakailangan para sa mga lokal na pamahalaan upang epektibong maisakatuparan ang layuning pag-unlad.

Sinabi pa ng mambabatas na sa kasalukuyan ay tinatalakay din sa Kamara ang ilang mga panukalang batas na layuning dagdagan pa ang NTA share ng mga lokal na pamahalaan.

“This initiative seeks to deepen local government engagement in national development, ensuring the growth and progress we envision are experienced at the community level,” ayon kay Speaker Romualdez.

“Ramdam po ng national government ang pangangailangan ninyo. Alam namin na kailangan ninyo ang lahat ng tulong mula sa national government para mai-angat ang kabuhayan ng ating mamamayan,” dagdag pa ng mambabatas.

Gayundin, ayon kay Romualdez ang pagtutok ng gobyerno ng pakikipagtulungan sa mga LGU upang epektibong maisama ang local health system sa pagpapatupad ng Universal Health Care.

“By integrating local health systems into comprehensive province-wide and city-wide systems, we strengthen the foundation of our healthcare infrastructure. This integration is crucial for enhancing the resilience and capabilities of health services, particularly in geographically isolated and disadvantaged areas,” ayon pa kay Speaker Romualdez.

Sinabi pa ni Romualdez ang pagsisikap na tulungan ang mga LGU “ay pinalalawig sa pagbuo at pagpapatupad ng mga lokal na plano sa pamumuhunan para sa kalusugan, na mahalaga sa pagtiyak na ang bawat Pilipino, saan mang lugar, ay may access sa de-kalidad na serbisyong pangkalusugan.”

“This approach aims to enhance primary care services and improve local health system management tools, leading to better health outcomes and more sustainable healthcare delivery at the local level,” ayon pa sa mambabatas.

“Alam ko pong nangangamba kayo sa epekto ng Mandanas ruling sa isyu ng devolution of health services. Ang takot ninyo: binigyan nga kayo ng dagdag na pondo, pero kaakibat nito ang mas malaki ring responsibilidad. Baka sa dulo, lugi pa kayo kahit may dagdag na pondo,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

“Pero wala po kayong dapat ikatakot. Laging handa ang national government na alalayan kayo. We will be with you every step of the way,” dagdag pa ng mambabatas.

Iginiit pa ni Speaker Romualdez, ang kahalagahan na palakasin ang financial foundation ng mga LGU para sa kanilang pagsisikap sa pagpapa-unlad ng kanilang bayan.

“This strategy not only empowers LGUs but also promotes a more integrated and collaborative approach to achieving the SDGs,” ayon pa kay Speaker Romualdez.

Kinikilala rin ng mambabatas ang mahalagang tungkulin ng mga lokal na pamahalaan upang sa pagtamo ng SDG.

“It is evident that local governments are instrumental in achieving these global objectives. Positioned at the vanguard, your initiatives are critical in tackling challenges such as poverty, health, employment, and climate change, which are central to the SDGs,” ayon pa sa mambabatas.

“Acknowledging this crucial role, it becomes a collective responsibility of the House of Representatives to ensure you are equipped with the essential resources for these monumental tasks,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

Giit pa niya na kinokonsidera ng Kamara ang mga legislative agenda sa pandaigdigang layunin sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga reporma na sumusuporta sa edukasyon, paglutas sa kahirapan, matatag na pamayanan, malinis na mapagkukunan ng enerhiya at paglago ng ekonomiya.

“With today’s assembly theme, we look forward to municipal governments joining us in these vital endeavors,” ayon pa sa mambabatas.

Nagpapasalamat din ang pinuno ng Kamara sa lahat ng mga alkalde at lokal na opisyal sa pagbibigay tuon sa SDG.

“Tackling the SDGs independently is a challenging endeavor, but collectively, through our shared efforts and the Filipino spirit of ‘bayanihan,’ we can make the path less daunting and more attainable. Let’s seek collaborative opportunities beyond political lines, to build a Philippines that every Filipino aspires for,” ayon pa kay Speaker Romualdez.

Matapos ang talumpati, iginawad ni Mayor Bernos ang LMP National Directorate Resolution No. 2024-02 bilang pagpapahayag ng suporta sa liderato ni Speaker Romualdez at sa kaniyang pagsisikap na patatagin ang pondo ng mga LGU, gayundin ang pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.