Martin

Speaker Romualdez punuri pagdadala ni PBBM sa isyu ng WPS sa ASEAN-Australia summit

Mar Rodriguez Mar 6, 2024
139 Views

PINURI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ginawa nitong pagtataguyod ng pambansang interes sa pamamagitan ng pagdadala ng usapin ng West Philippine Sea sa ASEAN-Australia Special Summit.

Kinilala rin ni Speaker Romualdez ang hakbang ni Pangulong Marcos upang lalong mapalakas ang estratehikong alyansa ng Pilipinas at Australia at ang malaking ambag nito upang mas tumibay ang relasyon ng dalawang bansa at mga kasapi ng ASEAN.

“During the summit, President Marcos reaffirmed the strategic alliance between the Philippines and Australia, emphasizing the shared values and mutual interests that bind our nations together.

This reaffirmation underscores the importance of fostering robust partnerships in the face of evolving geopolitical challenges,” ayon pa kay Romualdez, na kabilang sa delegasyon ng Pilipinas sa pagtitipon.

“At a time of escalating tensions and provocative actions by China, President Marcos’s call for adherence to a rules-based order and peaceful resolution of disputes is both timely and crucial. It reaffirms our nation’s commitment to promoting stability and security in the region through dialogue and cooperation,” dagdag pa nito.

Noong Martes, ginamitan ng water cannon ng Chinese Coast Guard ang barko ng Pilipinas na nagsasagawa ng resupply mission sa Ayungin Shoal dahilan upang mabasag ang windshield ng isa sa mga barko at masugatan ang apat na sakay nito.

Ayon sa Philippine Coast Guard, ang ginawa ng Chinese Coast Guard ay walang pakundangan at ilegal na naging dahilan din ng banggaan sa dalawang sasakyang pandagat na nagresulta ng pinsala sa barko ng Pilipinas.

Sa “Leader’s Plenary Session” sa summit, nagpasalamat ang Pangulong Marcos sa tulong at suporta ng ASEAN at ang ginagampanan nito para matiyak ang kapayapaan at katatagan ng Indo-Pacific region.

Nagpasalamat din ang Pangulong Marcs sa Australia sa patuloy nitong pagsuporta sa pagpapatupad ng batas, ng 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), at 2016 Arbitral Award na nagbasura sa pahayag ng China na pag-angkin sa South China Sea.

Sinabi ni Speaker Romualdez na sa loob ng dalawang araw na state visit ng Pangulong Marcos sa Australia, tatlong mahahalagang kasunduan ang nilagdaan ng dalawang bansa, kabilang na dito ang pagtutulungan sa pagpapanatili ng maritime domain at maritime environment.

“This agreement holds paramount importance, particularly in the face of escalating provocative actions by China in the South China Sea. By solidifying this pact, President Marcos has underscored our nation’s unwavering commitment to upholding maritime security and safeguarding the interests of all nations in the region,” dagdag pa ni Romualdez.

“President Marcos can count on the unwavering commitment of the House of Representatives in support of his initiatives to preserve peace and stability in the region and his courageous stance in defense of our country’s territory and sovereignty,” ayon pa sa mambabatas.

Pinuri rin ni Speaker Romualdez ang Pangulong Marcos sa pagsiguro ng iuuwing $1.53 billion o katumbas ng P86 billion halaga ng investment mula sa 12 business deals na nilagdaan sa sidelines ng pagtitipon.

“These investments not only signify confidence in the Philippine economy but also pave the way for enhanced economic cooperation between our nations. In addition, the realization of these business agreements would create more jobs and livelihood opportunities for our people,” ayon pa sa pinuno ng Kamara.

Kumpiyansa rin si Romualdez na ang ASEAN-Australia-New Zealand Free Trade Agreement (AANZFTA) ay magbubukas ng mas maraming oportunidad sa pagnenegosyo ng mga micro, small and medium enterprises (MSMEs).

Inanunsyo rin ng Pangulong Marcos sa leader’s plenary ng summit ang paglagda ng Pilipinas sa second protocol ng AANZFTA.

Nagtitiwala ang Pangulo na ipagpapatuloy ng AANZFTA ang pagtugon sa nagbabagong multidimensional challenges sa kalakalan, at ang pagsisikap na mapatatag ang supply chain, pagpapalawak ng pagnenegosyo at pamumuhunan para sa kaunlarang pangmatagalan sa buong rehiyon.