Calendar
DML Garin sa Makabayan bloc: Takot sa economic reform magpapanatili sa kahirapan ng mga Pinoy
HINDI dapat mangamba ang mga kinatawan mula sa Makabayan bloc sa isinusulong na pagbabago sa economic provisions ng Konstitusyon.
Ayon kay House Deputy Majority Leader at Iloilo 1st District Rep. Janette Garin ang pagbabago sa Saligang Batas ang magiging daan para mapabuti ang estado ng pamumuhay lalo na ng mga mahihirap.
“It’s human nature to be afraid of change. Natural po ‘yan sa tao. Bawat tao, kapag meron pagbabago, any change, kaakibat doon ‘yung fear at…pero ang katanungan, kung patuloy tayo magpapa-manipula sa…fear of change, walang patutunguhan ang bansa natin at ikakahiya natin ‘yun sa ating mga apo at mga apo ng ating apo,” ayon kay Garin sa ginanap na pulong balitaan noong Huwebes.
“Change is vital in any institution. Kasi habang umaandar ang mundo, umaandar ang mga taon, kaakibat diyan ay ang pagbabago para tugunan ang mga pangangailangan,” dagdag pa ng mambabatas.
Inihalimbawa rin ni Garin na bago pa man gumamit ng mobile phones ang mga Pilipino ay una na munang nauso ang beepers.
“Itong mga pagbabago sa teknolohiya, kapag dumarating, ang dami munang intriga before ginagamit, kasi ganoon talaga iyon. Again, it’s human nature to be afraid of change, but that fear is always overcome by the positive impact of that change,” ayon pa a lady solon mula sa Iloilo.
Binanggit pa ni Garin na ang isinusulong na adbokasiya ng Kamara na pag-amyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution ay nahaluan na rin ng mga intriga.
“Yung economic Cha-cha, madaming mga intriga. Pero tingnan natin ang panukalang batas. Nakasaad doon ang tatlong bagay na nilagyan ng ‘unless otherwise provided by law.’ Tatlo iyon – public utilities, ibig sabihin transport sector, kuryente, internet tubig at iba pa related to public utilities. Pangalawa, education sector Pangatlo, advertising industry. Iyan iyong tatlong nakasaad sa Resolution of Both Houses No. 7,” ayon pa kay Garin.
“In other words, diyan ka lang iikot, hindi ka naman pwedeng gumawa ng batas na talagang malayong-malayo…that is very clear. Kaya ‘yung mga takot ng Makabayan bloc, hindi po ‘yan mangyayari,” dagdag pa ng mambabatas.
Paliwanag ni Garin, layunin ng pagdaragdag ng mga salitang “unless otherwise provided by law” sa mga probisyong pang-ekonomiya ng Konstitusyon, ay magbibigay laya ang Kongreso na magpasa ng batas na angkop sa pangangailangan ng panahon.
“All of this just means flexibility, dahil ang nangyari sa Pilipinas ikinahon tayo,” giit pa ng mambabatas.
Si Garin, na isa ring doktor ay sumasang-ayon sa pagbibigay ng kakayahan sa Kongreso na magpasa ng batas na umaangkop sa pangangailangan ng sitwasyon maging sa larangan ng medisina.
Ayon kay Garin, isa rin sa dahilan na nalilimitahan ang mga doktor sa kanilang panggagamot sa mga pasyente ay dulot na rin ng mga pangamba sa usaping legal.
“Natanggalan ka ng flexibility kasi takot kang makasuhan. Ganyan din ang nangyayari sa ating Konstitusyon. Kung ang iyong Konstitusyon ay masyadong nakakahon at sa bilis ng galaw ng mundo ay talagang maiiwan ka. Hindi makagalaw ang gobyerno dahil palaging tinitignan mo baka kasuhan ka.There are always legal obstacles kasi naging inflexible,” ayon pa sa mambabatas.
“In other words, economic chacha is all about flexibility. Calculated flexibility na kapag may problema, may challenge, may pagbabago sa buong mundo, agad-agad ‘yung Kongreso ay gagawa ng panukalang batas to address that specific problem. Ganoon lang po talaga ang ibig sabihin,” dagdag pa ni Garin.
Ikinalulungkot din ng mambabatas ang mga ikinakabit na intriga sa isinusulong na economic amendments.
“It is because the direction and the directive of the current administration is not to taint the law. Not to taint the proposed measure. Kaya nga kitang-kita and very transparent, this is all about our economy. This is all about giving our Filipino people the choice na kung gusto mo mag-aral, na kung gusto mo mag-improve, marami kang choice. Kung kukuha ka ng internet provider, marami kang pagpipilian. Kung tubig naman ang pag-uusapan, hindi ka tali sa isang kumpanya,” paliwanag pa ng mambabatas.
Iginiit naman ni Assistant Majority Leader at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang pangangailangang pagbabago sa 37-taon ng Saligang Batas.
“This is a Constitution that was done prior to the advent of Netflix, prior to the advent of Google, prior to the advent of many other technologies na sinabi nga ng aking mga kasamahan dito.
Opportunities are outside, we just have to grab it. But we cannot, because we simply do not want it, because of fear,” ayon kay Adiong.
“Ang nakikita ko po based on what I’ve seen and heard during both the committee hearings… and both those who are proposing is that my take on that is there is fear. It is masquerading as patriotism, as nationalism. So wala naman po pwedeng magmonopolya ng nationalism at patriotism,” dagdag pa ng kinatawan mula sa Mindanao.
Hinala naman ni Quezon City Rep. Marvin Rillo na kabilang sa sumasabotahe sa isinusulong na pag-amyenda ng Kamara sa liberalisasyon ng economic provisions ang mga mayayamang negosyante na tumatanggap ng royalties mula sa kanilang foreign partners.
“Pinapalabas nila na ang Kongreso ay may ibang agenda, political agenda. We would like to assure the Filipino people na kung meron man maipasok na political agenda, kami mismo na nandirito ang lalaban para hindi ito magtagumpay. We are concentrating on the economic provisions of Cha-cha and we would stick by that. We would do this because the Filipino people need help and we need change,” ayon kay Rillo.
“Look at Dubai, they charge very low taxes, yet they invite big investors. Napakayaman na bansa. Doon walang oligarko. Pwede ka maghanapbuhay. Dito lang sa ating bansa na kung saan ang batas natin ay halos nagbibigay ng halos lahat ng negosyo sa iilang oligarko. Iyon ang tinatrabaho ng Kongreso – na magkaroon ng pantay-pantay na paghahanapbuhay o pagne-negosyo sa ating bansa,” dagdag pa ng mambabatas.