Wilkins

Mahigit P1B shabu nakumpiska sa Valenzuela

516 Views

MAHIGIT na P1 bilyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng otoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Valenzuela ngayong Martes, Marso 8.

Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva naaresto sa operasyon sina Tianzhu Lyu, ng Fujian, China at ang Pilipino na si Meliza Villanueva, ng Concepcion Tarlac.

Naaresto umano ang mga suspek alas-3:30 ng hapon sa JP Rizal St.,

Arty Subdivision, Barangay Karuhatan at nasamsam sa kanila ang 160 kilo ng shabu.

Ang operasyon ay sama-samang ginawa ng PDEA, Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), National Intelligence Coordinating Agency (NICA), at Bureau of Customs (BOC).

Sinabi ng PDEA chief na ang operasyon ay resulta ng mga mas naunang operasyon sa Cavite, Bulacan, Cebu, at Negros Occidental kung saan nasa P500 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska.