Calendar
Mga mambabatas iginagalang pagtutol ng DepEd sa Charter change
IGINAGALANG umano ng mga kongresista ang desisyon ng Department of Education (DepEd) na tutulan ang economic Charter change na suportado ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa isang regular briefing sa Kamara de Representantes, sinabi nina Deputy Majority Leader at Mandaluyong City Rep. Neptali “Boyet” M. Gonzales II, Taguig Rep. Amparo Maria Zamora, at 1-RIDER Partylist Rep. Rodge Gutierrez na pinahahalagahan ng Kamara ang opinyon ng bawat resource person na siyang magiging gabay ng mga kongresista sa pagboto sa Resolution of Both Houses (RBH) No. 7.
“We respect their position, the same manner lahat iyan, pros and cons, we respect. Iyong mga insights of the resource speakers are meant for the congressmen in making their final decision on how to vote on the matter,” sabi ni Gonzales.
“At the end of the day, basta magbobotohan diyan, whether their stands were able to influence the congressmen will be revealed later in the outcome of the voting. But as I’ve said, we respect kung ano ang position ng DepEd diyan,” dagdag pa nito.
Ayon naman kay Zamora, na ang distrito ay maraming international schools, wala itong nakikitang masama kung darami ang mga paaralan na pagmamay-ari ng dayuhan sa bansa kapag natuloy na mabago ang limitasyong nakasaad sa Konstitusyon.
“I hail from the second district of Taguig kung nasaan po ang BGC at napakarami naman pong international schools doon. Sinasabi nila na those schools exist because of legislation, so what makes the these foreign institutions any different? Parang kontra yata,” ani Zamora.
“Pero ginagalang natin yung opinyon nila and para ‘yun sa further na pagninilay ng mga congressman na sa dulo naman, kami din naman po ang boboto. Pero, naniniwala po ako na kung nag e-exist naman ngayon ang mga international schools dito at matagal na po silang nag-exist, wala naman pong masama na pumasok pa ang mga iba pang international schools,” dagdag pa nito.
Nagpahayag ng pagkabahala ang DepEd dahil maaari umanong maapektuhan ang pagiging nasyonalismo ng mga Pilipino kapag dumami ang mga nakakapag-aral sa mga eskuwelahan na pinatatakbo ng mga dayuhan sa bansa.
“Naging issue kahapon ng mga resource persons yung mawawala daw ‘yung sense of nationalism natin, pero makikita natin marami pong mga international schools na nasa Singapore, pero parang hindi naman nawawala ‘yung pagmamahal nila sa bansa nila,” paliwanag ni Zamora.
“in fact, alam natin ang Singapore, talagang known sila na matatag ang kanilang paghanga at pagtingin sa kanilang bansa. So sa tingin ko, marami namang safeguards against ‘yung mga fears nung ating resource persons kahapon,” sabi pa nito.
Inirerespeto umano ni Gutierrez ang posisyon ng DepEd sa economic Charter change, pero kumpiyansa ito na hindi aalisin ng Kongreso sa ahensya ang pangangasiwa sa mga paaralang pinatatakbo ng mga dayuhan.
“We do understand there will be apprehensions on the part of DepEd, on how it would play out. Kasi the question talaga po nila that we saw was that doon sa control in curriculum in relation to the mandate of DepEd,” ani Gutierrez.
“But we have to remember that the mandate of DepEd on this flows from law and from the Constitution,” sabi pa ng mambabatas.
“So if Congress as a whole together with the Senate decide to change it, then mag-adjust naman po iyung DepEd. There will be further regular legislation to set out the parameter limits kung anong mangyayari po dito sa DepEd, which includes the control and mandate over curriculum and such,” dagdag pa nito.