Dimaporo1

LEDAC priority tapos na, Kamara maitutuon atensyon sa ibang mahalagang panukala

Mar Rodriguez Mar 19, 2024
115 Views

DAHIL natapos na ang Kamara de Representantes ang 19 na panukala na target na maaprubahan ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) hanggang sa Hunyo 2024, maaari na umano nitong asikasuhin ang iba pang nakabinbing panukala.

Sa isang press conference, sinabi nina Lanao del Norte Rep. Mohamad Khalid Dimaporo, Negros Occidental Rep. Franscisco “Kiko” Benitez, PBA Rep. Margarita Ignacia “Atty. Migs” Nograles, at Taguig City 2nd District Rep. Amparo Maria “Pammy” J. Zamora, na hindi magpapahinga ang Kamara dahil lamang nagawa na nito ang mga panukala na hiniling ipasa ng LEDAC.

“I think with the LEDAC measures finally completed we can focus on local bills because that is of the utmost importance to most of us here in the House of Representatives. Iyong mga local needs ng mga constituents namin, and secondly, we also have other tasks,” ani Dimaporo, Chairman ng House Committee on Muslim Affairs.

Nauna ng iniulat ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa LEDAC na natapos na nito ang lahat ng panukala na target aprubahan hanggang sa Hunyo 2024.

Sinabi ni Dimaporo na bukod sa mga local bills, mayroon pang ibang panukala na dapat pagtuunan ng pansin ng Kamara gaya ng Second Congressional Commission on Education, o EDCOM 2.

“One of the tasks that I have been assigned to by the Speaker is in EDCOM 2, so we will be digging deep into the problems of BARMM and the problems with education, why they have the poorest of the poor in terms of performance when it comes to education, statistics and indicators,” sabi ni Dimaporo.

Sinabi naman ni Nograles na mayroong mga panukala na mahalaga rin maisabatas upang masuportahan ang economic agenda ni Pangulong Marcos.

“I think the CREATE MORE is being discussed and if I’m not mistaken there are about 10,000 bills that have been filed by various congressmen (that need to be discussed). So hindi po matatapos iyan and we are all trying our best to hear the various local bills, national bills, all other bills na gusto namin lahat mapasa sana, na maisabatas,” sabi ni Nograles.

“You know the work really never stops even during the break,” dagdag pa ng lady solon.

Para naman kay Benitez mayroon ding oversight power ang Kamara na maaari nitong magamit upang masilip ang mga kinakailangang pagbabago para mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino.

“Kasi sa oversight lang, kagaya ng EDCOM 2 halimbawa, marami hong lumilitaw na problema na hindi generally naka-capture in the normal year’s legislative process. So, there are many issues and many (pieces of) legislation that still need study beyond or outside the LEDAC priorities,” sabi ni Benitez.

“We have issues with local bills that still need legislation and those continue as the needs of our local constituents change and emerge over time. There are still bills of national importance that are not included in the LEDAC priority but are nonetheless important,” dagdag pa ni Benitez.

“Napakarami po talaga naming ginagawa. Sabay-sabay po ‘yung mga committee meetings namin. In fact, this week hindi lang naman po RBH7 ang ipapasa namin. May 45 local and national bills po na ipapasa ngayong linggo. So, kung naipagsasabay-sabay po namin iyun, siguro naman po malinaw na sabihin hindi lang naman namin pinaglaanan ng pansin ‘yung RBH 7. Sabay-sabay po, kinakaya po namin lahat,” sabi naman ni Zamora