Kamara

Kamara tuloy ang trabaho kahit walang sesyon

Mar Rodriguez Mar 21, 2024
100 Views

KAHIT na naka-Holy Week break, patuloy na magtatrabaho ang mga miyembro ng Kamara de Representantes na pinamumunuan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez para matalakay ang mga mahahalagang isyu at panukalang batas.

Sa mosyon na inihain sa plenaryo ni Deputy Majority Leader at Isabela 6th District Rep. Faustino “Inno” Dy, hiniling nito ang payagan ang mga komite na magsagawa ng pagdinig mula Marso 21 hanggang Abril 28.

“I move to authorize all committees to conduct meetings and/or public hearings, if deemed necessary, during the House recess from March 21, 2024 to April 28, 2024,” ayon kay Dy.

Ang mosyon ay inaprubahan ni House Deputy Speaker and TUCP Party-list Rep. Raymond Democrito Mendoza matapos na walang marinig na pagtutol dito.

Ang pagsasagawa ng pagdinig ng bawat komite sa kabila ng bakasyon ay patunay ng dedikasyon ng Kamara na bigyang prayoridad ang tungkulin sa pagbalangkas ng batas at pagtugon sa mahahalagang usapin na kinakaharap ng bansa.

Isa rin itong aktibong paraan ng pamamahala upang matiyak na hindi maantala ang batas kahit pa sa panahon ng bakasyon.

Ayon kay Speaker Romualdez, pinuno ng 300 kinatawan ng Mababang Kapulungan, na mahalaga ang pagpapanatili ng momentum sa pagsisikap ng bawat isa sa pagbalangkas ng mga batas na kinakailangan ng publiko.

“The House remains steadfast in its commitment to serve the Filipino people. Allowing committee hearings during the break demonstrates our dedication to fulfilling our duties as legislators and addressing the needs of our constituents,” ayon kay Romualdez.

Sa kanyang talumpati sa pagtatapos ng sesyon, binigyang pagkilala ni Romualdez ang naging tagumpay ng Kamara kabilang na ang 100-porsiyentong pagpapatibay ng priority measures ng SONA at LEDAC, tatlong buwan bago ang itinakdang deadline.

Dagdag pa ng pinuno ng Kamara, ang naging tungkulin ng mga kinatawan ng Mababang Kapulungan sa pagpapatupad ng kanilang oversight functions sa pamamagitan ng imbestigasyon in aid of legislation, bilang mahalagang gawain na mapanatili ang integridad ng mga institusyon ng pamahalaan at sa kapakanan ng mamamayan.

“These inquiries are the bedrock of accountability and transparency within our government,” ayon sa mambabatas.

Kabilang na dito ayon kay Romualdez ang pagtutulungan ng Committee on Ways and Means, Committee on Senior Citizens, at Special Committee on Persons with Disabilities, sa imbestigasyon kaugnay sa kakulangan sa pagpapatupad ng batas at polisiya sa pagbibigay ng diskwento, insentibo at iba pang pribilehiyo sa mga senior citizen at persons with disabilities (PWDs).

Ilan sa rekomendasyon na pinagkasunduan ng tatlong komite ang pagpapantay ng mga benepisyo para sa mga taong may kapansanan at senior citizen, pagbibigay ng diskwento maging sa promotional sales, at ang mga programa at proyekto para sa mga senior citizen at PWD’s gamit ang national tax allotment

“Dahil sa aksyong ito ng mga komite at pagbabantay ng Kongreso, naitaas natin ang discount sa grocery ng ating mga senior citizen at person with disability. Sa mga susunod na araw, itataas ang kanilang discount mula P260 tungo sa P500 kada buwan,” ayon kay Speaker Romualdez.

Binanggit din ng pinuno ng Kamara ang pagsisikap ng Committee on Health na mahimok ang PhilHealth na makapagbigay ng makahulugang benepisyo para sa mga Filipino sa ilalim ng Universal Health Care.

“Naitaas natin ang benefit package para sa breast cancer patients mula P100,000 tungo sa P1.4 million. Nagawa rin nating mai-libre ang mammogram at ultrasound exam para sa lahat ng kababaihang Pilipino para mai-ligtas sila sa sakit na kanser,” ayon pa sa pinuno ng Kamara.

“Moreover, we have taken the lead in constructing the Philippine Cancer Center, an advanced facility designed to serve as a place of healing and optimism. This center seeks to revolutionize cancer care in the country by incorporating the latest medical innovations and promoting collaboration among specialists to offer a top-tier setting for individuals battling cancer,” dagdag pa ng mambabatas.

Gayundin ayon pa kay Speaker Romualdez ang ginawang imbestigasyon ng Committee on Transportation sa kahilingan na palawigin ang deadline ng jeepney consolidation na dapat sana’y magtatapos ng Disyembre 31, 2023, hanggang sa mabuo ang konkretong mga plano upang tugunan ang mga pangunahing isyu ng programa.

“Pinagbigyan naman tayo ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paki-usap na ito at nagpapasalamat tayo sa kanya sa pagdinig sa ating hiling. Umaasa tayo na magiging sapat ang extension na naibigay para masigurong hindi mawawalan ng trabaho ang libo-libong jeepney drivers na naapektuhan ng programang ito,” ayon kay Romualdez.

Ipinagtanggol din ni Romualdez ang ginawang pagdinig ng Committee on Legislative Franchises kaugnay sa alegasyon ng mga paglabag ng Sonshine Media Network International (SMNI) sa pribelihiyong iginawad ng Kongreso, at ang rekomendasyon na bawiin ang prangkisa ng TV network.

“This decisive action underscores our commitment to uphold the integrity of broadcasting standards and the public’s trust…Tinutupad lamang po natin ang mandatong ini-atang sa atin ng Konstitusyon at ng taongbayan. Walang personalan dito. Trabaho lang,” dagdag pa ng pinuno ng Kamara.