Villanueva

Bro. Eddie Villanueva matatag posisyon laban sa Divorce Bill

Mar Rodriguez Mar 21, 2024
200 Views

MATATAG ang posisyon ni CIBAC Party List Cong. Eduardo “Bro. Eddie” C. Villanueva na tutulan ang pagsasabatas ng House Bill No. 9349 o ang kontrobersiyal na “Divorce Bill” na kasalukuyang nakabinbin sa Kamara de Representantes upang gawing legal ang paghihiwalay ng isang mag-asawa.

Binigyang diin ni Bro. Eddie na hindi nagbabago ang kaniyang paninindigan laban sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas matapos nitong ipahayag na itinuturing na “unconstitutional, anti-family, anti-Filipino anti-God at labag sa kautusan ng Diyos ang pagsusulong ng “Divorce Bill”.

Ipinaliwanag ni Villanueva na lantarang sinasalungat ng panukalang diborsyo ang Constitutional mandate o isinasaad ng Saligang Batas patungkol sa pagkakaloob ng proteksiyon sa isang pamilya bilang pundasyon ng ating Lipunan na nakalagay sa Article XV, Section 1 ng Konstitusyon.

“Mr. Speaker, this Representation opposes the divorce bill because I find it unconstitutional. Not only is it questionable in light of Article XV, Section 2, which declares Filipino marriages as inviolable but more importantly the effects of the bill directly and clearly contradict the Constitutional mandates of protecting the family as foundation of the nation,” sabi ni Villanueva.

Idinagdag pa ng kongresista ang negatibong epekto o impact ng diborsyo ay hindi lamang sa mag-asawa. Bagkos, maging sa kanilang mga anak sapagkat batay sa mga isinagawang pag-aaral. Ang paghihiwalay ng isang mag-asawa ay kadalasang nangyayari din sa kanilang mga anak.

“Are we willing to pass this bill at the expense of the interest and future of our children and our future families? If the services and government assistance that would be mandated by this bill for divorce cases would also be available to annulment cases,” ayon pa sa mambabatas.