Gaviona

Pagmamahal ng pamahalaan ipinaramdam sa mga kababaihaan, estudyante ng Gingoog

110 Views

NAPUNO ng pagmamahal ang selebrasyon ng International Women’s Month kasabay ng ipinaabot na tulong ng tanggapan nina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at Tingog Partylist Yedda Marie K. Romualdez sa mga kababaihan at estudyante ng Gingoog City nitong Marso 21.

Nasa 3,000 kababaihan ang nakatanggap ng tig-P5,000 tulong pinansyal sa ginanap na payout ng DSWD AICS Program sa Gingoog City Comprehensive National High School.

Si House Deputy Secretary-General Sofonias P. Gabonada Jr., ang kumatawan kay Speaker Romualdez sa pagtitipon at nagparating ng mensahe nito sa ginanap na Paglaum sa Congress na inorganisa nina Misamis Oriental Governor Peter S. Unabia at Cong. Christian S. Unabia.

“Walang kamatayan ang ating pagmamahal sa ating mga nanay,” sabi ni Gabonada.

Nagpaabot naman ng nag-uumapaw na pasasalamat kina Speaker Romualdez at Rep. Yedda si Gingoog Mayor Erick Cañosa sa nakatakdang pagbubukas ng Alagang Tingog Center sa Gingoog City ngayong Abril. Isa umano itong pagpapakita ng kanilang dedikasyon na matulungan ang mga Pilipino kahit na ang mga nasa probinsya.

Nagpaabot din ng kanilang pasasalamat ang mga kaalyado ng Lakas-CMD na sina Gov. Unabia at Rep. Unabia at nangako na patuloy na magpapaabot ng ayuda at tulong sa lahat ng Misamisnon, bilang pakiki-isa sa hakbang ni Speaker Romualdez at ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos Jr.

Binigyan din ng tig-P3,000 tulong pinansyal ng tanggapan nina Speaker Romualdez, Rep. Yedda, at ng Tingog party-list ang may 856 benepisyaryo ng TESDA Training for Work Scholarship (TWS) sa Gingoog City.

Si Rep. Christian Unabia ang nagsilbing keynote speaker ika-19 na Commencement Exercises ng Lorenz International Skills Training Academy Inc. (LISTA) na ginanap sa Arturo S. Lugod Memorial Gym, Gingoog City, kung saan din ginanap ang payout.

Nakasama ni Gabonada sa naturang pagtitipon sina Mayor Erick Cañosa, TESDA X Regional Director Dan M. Navarro, LISTA School President Maggie Gudella Z. Tse at Ms. Karla Estrada ng Tingog Partylist.