Dalipe

Liderato ng Kamara pinuri ang pagpabor ng mga Pinoy sa economic Charter reform

Mar Rodriguez Mar 24, 2024
125 Views

IKINALUGOD ng mga lider ng Kamara de Representantes ang resulta ng pinakabagong survey na nagpapakita na mahigit kalahati ng mga Pilipino ang pabor na amyendahan ang economic provisions ng Konstitusyon.

“The survey results underscore the widespread recognition among Filipinos of the need for change and reform,” ani House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe.

“It is encouraging to see that a majority of our citizens are in favor of Cha-cha, signaling a collective desire for progress and improvement,” ayon kay Dalipe.

Sinabi naman ni House Deputy Speaker at Quezon Rep. David “Jay-jay” Suarez na ang resulta ng survey ay nagpapatunay sa dumaraming bilang ng mga Pilipino na kumikilala sa pag-amyenda ng 1987 Constitution, partikular na ang restrictive economic provisions nito.

“The overwhelming support for Cha-cha revealed in the survey is a testament to the Filipino people’s desire for meaningful reforms,” ayon kay Suarez.

Ayon naman kay House Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin, ang resulta ng survey ay nagbibigay ng malinaw na mandato sa mga miyembro ng Kamara na pagtibayin ang pagtugon sa kanilang pangakong pagpapalakas ng mga inisyatiba para sa Cha-cha sa Kongreso.

“We in the House stand ready to translate the will of the Filipino people into tangible legislative reforms that will benefit our nation for generations to come,” ayon kay Garin.

Ang reaksyon ng mga mambabatas ay kaugnay ng resulta ng survey na isinagawa ng Tangere, isang big data research firm kung saan 52 porsyento ng mga Filipino ang sumusuporta sa Cha-cha.

Sa mga pabor sa pag-amyenda sa Konstitusyon, 14 porsyento ang nagsabi na sila ay “strongly agree,” habang 38 porsyento ang “somewhat agree” sa panukalang pagkakaroon ng reporma sa Konstitusyon.

Ayon pa sa resulta ng survey na inilabas noong Biyernes, 13 porsyento naman ang tumugon ng “somewhat disagree,” at 10 porsyento ang “strongly disagree” sa Cha-cha initiatives.

Ang nalalabi namang 25 porsyento ay wala pang pagpapasya kung sila ay sang-ayon o tutol sa panukalang Cha-cha.

Ayon pa sa pag-aaral ng Tangere, lumalabas din na 51 porsyento ng mga Pilipino ang sumasang-ayon na dapat kilalanin ng pamahalaan ang nakaraang isinulong na people’s initiative para sa Cha-cha.

Ang survey ay may margin of error na +2.53 porsyento, 95 porsyentong confidence level.

Kinuha sa survey ang opinyon ng mga taga-Metro Manila (12 porsyento), Northern Luzon (23 porsyento), Southern Luzon (22 porsyento), Visayas (20 porsyento) at Mindanao (23 porsyento).