Valeriano

Mapababaan mataas Skyway 3 toll fee hiniling

Mar Rodriguez Mar 25, 2024
95 Views

HINIHILING ng Chairman ng House Committee on Metro Manila Development na si Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano sa Department of Transportation (DOTr) at operator ng Skyway 3 na gumawa sila ng paraan para mapababaan ang mataas na singil o toll fee sa Skyway 3.

Ipinaliwanag ni Valeriano na ang Skyway 3 ang maaaring maging “alternative route” ng mga bus na bumibiyaheng PITXT, Cavite, Laguna at Batangas at patungong Central Luzon para mabawasan ang bilang ng mga sasakyang nagkaka-ipon-ipon sa EDSA na nagreresulta sa mabigat na daloy ng trapiko.

Gayunman, binigyang diin ni Valeriano na sa kasalukuyan ay hindi ito nangyayari dahil sa napakataas na toll fee ng Skyway 3. Kung kaya’t sa kabila ng napakasikip na daloy ng trapiko sa EDSA. Pinagtitiyagaan na lamang itong daanan ng mga bus driver sa halip na gumamit ng Skyway 3.

Ayon sa kongresista, malaki sana ang maitutulong ng Skyway 3 kung mababa ang kanilang singil sa toll fee o abot kaya ng mga bus driver dahil kahit papaano ay maiibsan ang napakabigat na daloy ng trapiko sa EDSA dahil sa Skyway 3 na dadaan ang mga bus na bumibiyahe sa mga nabanggit na lugar.

Dahil dito, nananawaga si Valeriano sa DOTr at operators ng Skyway 3 na malaki ang maitutulong nila para masolusyunan ang mabigay na trapiko sa EDSA at iba pang kalsada sa National Capitol Region (NCR) kung magagawaan nila ng paraan para pababain ang toll fee sa Skyway 3.

Bilang Chairperson ng Committee on Metro Manila Development, sinasang-ayunan ni Valeriano ang ibinigay na obserbasyon ni Ginoong Eduardo Yap ng Management Association of the Philippine (MAP) kabilang na ang lahat ng negosyante at mga kasapi ng MSME’s sector.

“I agree that we have a Traffic Calamity, not only here in Metro Manila but also in metropolitan areas in other parts of the country. As a Manila congressman and Chair of the House Committee on Metro Manila Development. I empathize with Mr. Yap anfd the whole business community,” sabi ni Valeriano.