Valeriano

Elevated parking sa metro iminungkahi

Mar Rodriguez Mar 27, 2024
282 Views

Valeriano1INILATAG ng chairman ng House Committee on Metro Manila Development na si Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mungkahi nitong paglalagay ng “elevated parking” at “multi-purpose” parking facilities sa mga estratehitikong lugar sa Metro Manila.

Ang suggestion ni Valeriano ay naglalayong paunti-unting maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa National Capitol Region (NCR) dahil ginagawa ng paradahan ng mga sasakyan at motor ang mga gilid ng kalsada.

Naniniwala ang kongresista na magiging maluwag ang ilang kalsada sa Metro Manila mula sa mga sasakyang nakahambalang na nagpapadagdag sa matinding trapiko.

Ayon kay Valeriano, nagpapadagdag sa malalang problema ng trapiko ay ang mga vendors na umookupa sa malaking bahagi ng mga sidewalks.

“DPWH should build elevated multi-level amd multi-purpose parking facilties in strategic locations in Metro Manila. Elevated parking will clear roads of vehicles obstructing traffic and of vendors that occupy sidewalks amd lanes of roads,” sabi ni Valeriano.

Sinabi ng kongresista na maaaring pagtayuan ng nasabing parking area facilities ang mga public o private lots o mga bakanteng lote na pag-aari ng gobyerno maging ang mga bakanteng lipa subalit abandonado na.

Iginiit ni Valeriano na sa pamamagitan nito. Malaki ang maitutulong ng kaniyang mungkahi para paunti-unting maresolba ang problema ng trapiko sa Metro Manila.