Valeriano1

Panawagan sa MMDA: No contact apprehension policy muling ipatupad

Mar Rodriguez Apr 2, 2024
139 Views

NANANAWAGAN ang chairman ng House Committee on Metro Manila Development na si Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano sa pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang muli nilang ipatupad ang “No Contact Apprehension Policy”.

Ipinaliwanag ni Valeriano na layunin ng kaniyang panawagan na maibsan o masolusyunan ang tumitinding trapiko sa Metro Manila dulot ng pagsisikip ng mga kalsada dahil sa volume ng mga sasakyan.

Sminado si Valeriano na maituturing na nasa “state of calamity” ang Pilipinas bunsod ng malalang problema ng trapiko sa National Capitol Region (NCR) kabilang na ang metropolitan areas.

Bilang chairperson ng Committee on Metro Manila Development, sinasang-ayunan ni Valeriano ang ibinigay na obserbasyon ni Ginoong Eduardo Yap ng Management Association of the Philippine (MAP) kabilang na ang lahat ng negosyante at mga kasapi ng MSME’s sector.

Dahil dito, sinabi ng kongresista na ang MMDA ang siyang may mandato para tutukan nang lumalalang problema sa National Capitol Region (NCR) kaugnay sa trapiko.

Hindi dapat isang pribadong kompanya ang nangangasiwa sa no contact apprehension policy kundi ang MMDA mismo, aniya,

Binigyang diin ni Valeriano na kung ang MMDA ang siyang mangangasiwa sa nasabing polisiya makakasiguro ang publiko na hindi magiging negosyo ang pagpapatupad ng nasabing polisiya.

Ayon pa kay Valeriano, napakarami na ang nagtangkang ayusin o kaya ay resolbahin ang malalang sitwasyon ng trapiko sa Metro Manila.

Subalit ang anomang inisyatuba ang inilunsad para wakasan ang matinding suliranin ng traliko ay nauwi lamang sa kabiguan sa kabila ng mga itinalagang traffic czars, dagdag ng mambabatas.