Just In

Calendar

November 2024
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  
Quiboloy

Quiboloy kinondena sa paghingi ng kondisyon sa gobyerno

88 Views

KINONDENA ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro si Pastor Apollo Quiboloy, ang lider ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC), sa paghingi nito ng kondisyon sa gobyerno para harapin ang kanyang kaso.

Ayon kay Castro ang dapat na gawin ni Quiboloy ay sumuko at harapin ang kanyang mga kaso.

Sinabi ni Castro na hindi rin makabubuti sa gobyerno kung pagbibigyan nito ang hinihinging kondisyon ni Quiboloy.

“Quiboloy is thumbing his nose at the Marcos administration and if it accedes to his demands, then it would be the laughing stock of the international community for having a justice system that can be bullied,” sabi ni Castro.

Sinabi ng mambabatas na ang paghingi ni Quiboloy ng kondisyon ay isa ring pagpapakita ng double standard.

“Feelingero talaga hanggang ngayon,” sabi pa nito. “Quiboloy should just face the charges against him here and in the US to prove if he is indeed innocent. He should also attend the hearings in Congress and the Senate instead of just being a fugitive. Sa pagtatago nya lalo lang lumalakas ang argumento na mukhang guilty talaga sya.”

Nauna ng nagpalabas ng warrant of arrest ang Senado at Kamara laban kay Quiboloy dahil sa hindi nito pagsipot sa mga pagdinig ng dalawang kapulungan.

“We urge Quiboloy to face the case against him and dispel any doubts regarding his innocence. Demanding guarantees only perpetuates the perception of guilt. Justice should prevail, and he should face the legal process without further delay,” wika pa ni Castro.