Tulfo1

Cong. Tulfo hiniling imbestigasyon sa pambubugbog sa Taekwondo varsity player

Mar Rodriguez Apr 8, 2024
93 Views

MAGING si House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party List Congressman Erwin T. Tulfo ay naapektuhan narin ng kaso ng pangbu-bugbog sa isang estudyante at Taekwondo varsity player na tinago lamang sa pangalang Cindy matapos nitong hilingin sa Kongreso ang imbestigasyon tungkol dito.

Dahil dito, isinulong ni Tulfo ang House Resolution No. 1670 sa Mababang Kapulungan na naglalayong magkaroon ng masusing imbestigasyon patungkol sa kaso ni Cindy na dumanas ng matinding pangbu-bugbog mula sa kaniyang coach sa Jesus Is Lord Colleges Foundation Incorporated (JILCFI).

Sinabi ni Tulfo na ang kanilang naging pagkilos o hakbang sa pamamagitan ng paghahain nila ng resolution sa Kamara de Representantes ay alinsunod sa direktiba mismo ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez na siyasatin ang naturang kaso ni Cindy na nagtamo ng maraming pasa.

Ipinaliwanag ni Tulfo na hindi katanggap-tanggap para sa liderato ng Kongreso ang karumal-dumal na insidente sa JILCFI sapagkat nagtamo ng napakaraming pasa sa katawan ang 17-taong gulang na si Cindy matapos itong sadyang ilaban o makipag-sparring isang lalake na black-belter pa man din.

Binigyang diin ng kongresista na layunin ng isasagawang pagdinig sa Kongreso na ma-review at ma-evaluate ang mga tinatawag na existing regulations kabilang na ang practices ar standards sa mga Taekwondo community para hindi muling mangyari ang nasabing insidente sa JILCFI.

Nauna rito, sinabi ni Manila 2nd Dist. Cong Rolando “CRV” M. Valeriano na ang pangyayari sa Jesus is Lord Colleges ay maituturing na isang napaka-malalang sitwasyon dahil nagawa ng isang coach na isabak sa sparring ang kaniyang estudyante gayong isa lamang itong babae at yellow belter pa lamang.

“Malala ang pangyayaring ito. Mga batang abusado sa loob pa naman ng tanyag na institusyon, Mabuti at mukha lamang. Gayunman, masakit parin ito sa pamilya ng

“Dapat managot pati ang naka-sparring ni Cindy. Sapagkat malinaw na ito’y paglabag sa sparring rules. Ang coach at iba pang sangkot ay dapat kasuhan ng administrative at criminal case,” sabi ni Valeriano.