Martin3 Pinapakita ni NAIA Terminal 3 General Manager Eric Jose Ines kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang artist conception ng plano para sa Overseas Filipino Workers Lounge sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 Tuesday Martes ng hapon. Nagpasalamat si Speaker Romualdez kay SMB President Ramon Ang para sa pagbigay ng mas malaking espasyo sa OFW Lounge. Nasa litrato rin sina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. at Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe. Kuha ni VER NOVENO

Speaker Romualdez sa SMC group: Salamat

130 Views

Sa pagbibigay ng malaking espasyo para sa OFW lounge sa NAIA T3

NAGPASALAMAT si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa consortium na pinangungunahan ng San Miguel CEO na si Ramon Ang sa paglalaan nito ng malaking espasyo para sa lounge ng mga Overseas Filipino Workers sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Ang SMC-SAP & Co. Consortium, ng San Miguel Holdings Corp., RMM Asian Logistics, Inc., RLW Aviation Development, Inc., at Incheon International Airport Corp. ang nakakuha ng P170.6 bilyong PPP project para sa pagsasaayos at pagpapatakbo ng NAIA.

Si Speaker Romualdez, kasama sina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales at Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, ay pumunta sa Terminal 3 nitong Martes upang personal na tignan ang paggawa sa planong OFW lounge.

“Dito sa T3 nakikita natin itong original envisioned OFW lounge kagaya sa Terminal 1. Napakaganda nun pero punong-puno na. Dito naman sa T3 kasi mas maraming pasahero ang darating dito we are very grateful to Mr. Ramon Ang and Mam Cecille (Ang’s daughter) for accommodating not only the OFW lounge here but they want to accommodate a larger space that’s almost double the area,” ani Speaker Romualdez.

“Mas malaki pa ang gustong ibigay, naliliitan sila sa unang plano sa request. So talagang nakikita natin na mas magiging maayos at maganda ang operation dito sa NAIA,” dagdag pa nito.

Ayon sa lider ng Kamara, ang pinaplanong OFW lounge ay kayang mag-accommodate ng hanggang 200 pasahero. Gaya ng iba pang OFW lounge, sinabi ni Speaker Romualdez na lalagyan ito ng mga amenities upang maging komportable ang mga OFW na naghihintay ng kanilang flight.

“We are also grateful to the management here for coordinating this request to make sure that our migrant workers who are traveling through the NAIA terminals are accommodated as VIPs should be,” saad ni Speaker Romualdez.

“Gusto natin na may maayos na lounge area na comfortable at dun sila pwede kumain at kumuha ng refreshements bago sila lumipad sa ibayong dagat at magtratrabaho,” dagdag pa nito.

Batay sa impormasyong nakuha ni Speaker Romualdez ang OFW lounge sa T3 ay magbubukas sa katapusan ng Hunyo.

Ang tanggapan ni Speaker Romualdez ay nagbigay din ng 55-inch at 65-inch television set para sa OFW lounge sa Terminal 1.

Apat na TV sets naman ang planong i-donate ng tanggapan ni Speaker Romualdez sa OFW lounge ng Terminal 3.

Nauna rito, nagpahayag si Speaker Romualdez ng kumpiyansa sa pagganda ng serbisyo ng NAIA sa ilalim ng PPP agreement. Ang lider ng Kamara ay isa sa mga naging saksi sa paglagda ng kontrata.

“The rehabilitation and operation of NAIA under this PPP framework demonstrate the unwavering commitment of the administration of President Marcos, Jr. to fostering sustainable growth and innovation in our transportation infrastructure,” ani Romualdez, lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.

Bukod sa pagpapaganda ng mga passenger terminal, kasama sa PPP project ang pagsasaayos ng mga pasilidad kasama ang runway, taxiway, ramp areas, at firefighting facility.

Inaasahan na mula 32 milyon kada taon ay tataas sa 60 milyong pasahero ang kayang i-accommodate ng NAIA.