ACT

ACT-Agri Kaagapay sinamahan si PBBM sa pamimigay ng financial ayuda sa Mindoro

129 Views

KASAMA ang ACT-Agri Kaagapay Organization ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamamahagi ng financial assistance at iba pang serbisyo sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng El Nino phenomenon sa San Jose, Occidental Mindoro.

Ang Pangulo, kasama sina Occidental Mindoro Gov. Eduardo Gadiano, San Jose Mayor Rey Ladaga at Act Agri-Kaagapay president Virginia Ledesma Rodriguez ay nagtungo sa Bgy. San Jose kung saan mahigit sa 1,500 benepisyaryo ang nabigyan ng financial aid, habang ang mga magsasaka ay nabiyayaan rin ng fuel subsidy.

Bukod sa pamamahagi ng ayuda sa mga magsasaka at mangingisda, nangako rin ang punong ehekutibo ng tulong sa lokal na pamahalaan upang makahanap ng solusyon sa krisis sa kuryente, gayundin ang problema ng mga magsasaka.

Sa nasabing aktibidad, personal namang binigyan ni Rodriguez, ng iniakda niyang librong “Leave Nobody Hungry”, si Pang. Marcos na malugod itong tinanggap.

Nagpasalamat rin ang pangulo kay Rodriguez sa kanyang kontribusyon sa pagkakaloob ng kaalaman at awareness sa mga magsasaka hinggil sa paggamit ng organic fertilizers at modern farming equipment para mapataas ang ani ng mga magsasaka sa bansa.

Ang Act Agri-Kaagapay organization ay non-government non-profit agency na nagkakaloob ng financial aid para sa mga indibidwal na kabilang sa mahihirap, marginalized, vulnerable, at disadvantaged sector.

“We are very thankful to President Marcos for giving his time to visit Occidental Mindoro despite the extreme heat just to meet and greet the farmers and ordinary people in San Jose, Occidental Mindoro,” ani Rodriguez.

Inatasan rin naman ng pangulo ang National Irrigation Administration (NIA) na maglagay ng irrigation systems para sakupin ang ilang munisipalidad sa Occidental, Mindoro, partikular na ang mga bayan ng San Jose at Magsaysay upang palakasin ang agricultural production. Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pang. Marcos na nagtungo sila roon upang magbigay ng tulong sa gitna ng nararanasang El Niño ng mga mamamayan.

“With our legislators, Cabinet secretaries, the local government and the private sector, we are all united to do everything that needs to be done, everything that we can do to help those affected by this El Niño and other problems,” dagdag pa ng pangulo.