Fake Ayon sa PCO, walang direktiba ang Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. at ito ay isang pekeng audio lamang na kunyari ay boses ng pangulo gamit ang generative Artificial Intelligence (AI). Makikita sa larawan ang Pangula na nagpe-preside sa sectoral meeting on Agenda on Guidelines Governing the Contract of Service and Job Order Workers in the Government sa Malacañang nitong Miyerkules. Kuha ni Yummie Dingding / PPA POOL

PBBM walang ‘attack’ utos — PCO

Chona Yu Apr 24, 2024
100 Views

FAKE news.

Pahayag ito ng Presidential Communications Office (PCO) sa kumakalat na video na inaatasan umano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na atakihin ang isang partikular na bansa.

Ayon sa PCO, walang direktiba ang Pangulo at ito ay isang pekeng audio lamang na kunyari ay boses ng pangulo gamit ang generative Artificial Intelligence (AI).

Iginiit pa ng PCO na patuloy ang kanilang hakbang para labanan ang fake news, misinformation, disinformation, at malinformation sa pamamagitan ng kanilang Media and Information Literacy (MIL) Campaign.

Nakikipag ugnayan na rin ang PCO sa Department of Information and Communications Technology (DICT), National Security Council (NSC), National Cybersecurity Inter-Agency Committee (NCIAC) at iba pang pribadong sektor para malabanan ang pagkalat at malisyosong paggamit ng pekeng video at audio at iba pang generative A.I content.

Nanawagan din ang PCO sa publiko na maging aktibo sa pagbubunyag ay paglaban sa mga maling impormasyon at maging responsable at mapanuri sa mga nilalaman ng ibabahagi sa mga social media.

“We ask everyone to be proactive in exposing and fighting against misinform,” pahayag ng PCO.

“We encourage everyone to work with us in fostering a more aware, resilient, and engaged citizenry in our digital commons, pahayag pa ng PCO