Calendar
Kalasag, hindi umubra sa Golden Tigers
PINANGUNAHAN ni Jhomel Sansano ang University of Luzon sa 112-106 panalo laban sa Bestlink College of the Philippines.sa isang high-scoring na sagupaan sa 30th NCRAA (National Capital Region Athletic Association) basketball tournament sa Bestlink gymnasium sa Novaliches, Quezon City.
Umiskor si Sansano ng 46 points mula 16-of-25 shooting mula sa field, at nagdagdag ng 10 rebounds at limang assists sa loob lamang ng 28 na minuto ng paglalaro para kay coach BJ Vidal.
Nakatuwang niya sina Datu Borja (17 points) at Bentax Begenio (10 points, 10 rebounds) para sa tagumpay ng Golden Tigers.
Sina Joshua Vidal at Art Maravilla ang namuno sa laban ng Kalasag ni coach Edwin Punio.
Si Vidal ay nagtapos ng 25 points sa 8-of-16 shooting at walong rebounds sa loob ng 35 na minuto ng laro habang si Maravilla ay mayroong 22 points at siyam na rebounds.
Nagdagdag si Julito Estoya ng 17 puntos, sinundan ni Aaron Reyna na may 15 puntos at ni Leonard Aguilar na may 13 puntos.
Mayroon ding 11 assists at limang rebounds si Reyna.
Mga scores:
Univ. of Luzon (112) — Sansano 46, Borja 17, Begenio 10, Panganiban 9, Seco 8, Gallardo 7, Camba 5, Diego 3, Pablo 3, Cave 2, Labasan 2, Vestre 0
Bestlink (106) — Vidal 25, Maravilla 22, Estoya 17, Reyna 15, L. Aguilar 13, K. Aguilar 5, JZ. Pitas 5, JH. Pitas 4, Sanchez 0.
Quarterscores: 30-29, 55-51, 77-74, 112-10