Calendar
Zamboanga nakabawi laban sa South Cotabato
NAKABAWI mula sa maagang pagkalugmok at namayani ang Zamboanga Master Sardines laban sa South Cotabato, 85-83, sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Sixth Season sa San Andres Sports Complex sa Malate, Manila.
Bagamat nabaon ng 18 points sa iskor na 36-54 sa unang bahagi ng third quarter, unti-unting nakabalik ang Zamboanga sa tulong ng mahusay na paglalaro nina Joseph Gabayni at kambal na sina Jaycee at Jayvee Marcelino.
Umiskor si Jaycee Marcelino ng walo sa kanyang team-high 20 points habang gumawa si Gabayni ng siyam sa kanyang 16 points para ika limang sunod na panalo ng Master Sardines ni veteran coach Louie Alas.
Si Marcelino, na tinaghal na 2022 MPBL MVP, ay nagdagdag pa ng seven rebounds, six assists at four steals sa 30 minutes na paglalaro.
Ang kanyang twin brother na si Jayvee Marcelino ay nag-ambag naman ng 13 points, eight rebounds, four assists, two steals atone block para sa Zamboanga, na umakyat sa liderato ng 29-team regional tournament.
Nagtala naman si Kyle Tolentino ng15 points sa 4-of-16 shooting, at five rebounds sa 25 minutes na aksyon para sa losing effort ng South Cotabato.
Umiskor din sina Marwin Dionisio at Antonio Lorenzo Joson ng tig 11 points at Larry Rodriguez ng 10 pointspara sa Warriors ni coach Elvis Tolentino.
Bumagsak sa 2-3 panalo-talong kartada ang South Cotabato, na dating GenSan.
Si PBA legend Kenneth Duremdes ang tumatayong commissioner ng sikat na regional league, na tinatawag ding “Liga ng Bawat Pilipino.”
The scores:
Zamboanga (85) — Jc Marcelino 20, Gabayni 16, Jv Marcelino 13, Alas 7, Santos 7, Apolonio 5, Terso 5, Strait 4, Mahari 4, Omega 3, Publico 1, Ignacio 0, Nayve 0, Barcuma 0, Celestino 0.
South Cotabato (83) — Tolentino 15, Dionisio 11, Joson 11, Rodriguez 10, M.Cruz 9, Sorela 7, Acuna 6, Jamito 4, Elorde 4, Mahaling 2, Dumapig 2, Apreku 2, Wilson 0, Lantaya 0, Landicho 0.
Quarterscores: 18-18, 36-44, 55-59, 85-83.