Calendar
Ares, Proel, Daquioag nagpasiklab sa St. Dominic
SUMANDAL ang St. Dominic College of Asia sa mainit na mga kamay ni Ivan Ares upang itala ang 83-69 panalo laban sa Lyceum of the Philippines University- Laguna sa pagpapatuloy ng 30th NCRAA (National Capital Region Athletic Association) basketball tournament sa Bestlink gymnasium sa Novaliches, Quezon City.
Tumirada si Ares ng 25 pointss mula sa 10-of-14 shooting sa loob ng 24 minutes ng laro habang nagdagdag ni Didoy Proel ng 19 points, pitong rebounds, at pitong assists para sa St. Dominic ni coach Bong Dela Cruz.
Nagpasiklab din sina Edward Daquioag, na may 15 points, anim na rebounds, at apat na assists, at Edward Clarete, na may 10 points.
Pinangunahan ni Jeff Gelamucho ang mga Pirates ng Laguna ni coach Michael Sydiangco na may 18 points sa 8-of-11 shooting, at siyam na rebounds sa loob ng 32 na minuto ng laro.
Nagdagdag si Shakur Abogado ng 11 points at nag-ambag naman si Ivan Landicho at Johann Samson ng siyam at walong puntos, ayon sa pagkasunod
The scores:
St. Dominic (83) — Ares 25, Proel 19, Daquioag 15, Clarete 10, Capulong 6, Amante 2, Vallena 2, German 2, Bunagan 2, Espellogo 0, Emerenciana 0
Lyceum-Laguna (69) — Gelamucho 18, Abogado 11, Landicho 9, Samson 8, Atienza 6, Pundano 6, Bandalan 5, Kat 2, Tivar 2, Duron 2.
Quarterscores: 16-17, 38-32, 68-57, 83-69.