Calendar
Heaven kina-career ang pag-push kay Marco umarte
Aminado si Marco Gallo na marami siyang natutunan sa partner niya in reel and real life na si Heaven Peralejo in terms of acting lalo na nga sa latest film nilang Men are from QC, Women are from Alabang ng Viva Films.
Aniya sa panayam nila sa Kapamilya Chat online, pagdating sa trabaho ay wala siyang masasabi sa girlfriend.
“She is one of a kind and you know, I could only wish to get to her level and everytime I work with her, I learn a little bit more. I think, I’m getting better in acting because of her,” sey ni Marco.
Sabi naman ni Heaven, talagang lagi niyang pinu-push ang BF to be the best.
Tulad na lamang daw sa Men are QC, Women are from Alabang, talagang sinasabihan niya ang aktor ng mga dapat gawin.
“I always push him to be like, the best. All the time. So, may mga scenes na alam kong nabubuwisit na siya, kasi like, kunyari, reading pa lang, sabi ko, ‘hindi ganyan si Tino (name ng karakter ni Marco sa Men are from QC, Women are from Alabang), hindi ganyan.’ (Sabi niya), ‘wait lang, reading lang naman,’” kwento ni Heaven.
Sa isang heavy scene naman nila sa movie, kinailangan pa nilang magkulong sa kwarto at i-push ang isa’t isa para ‘pag nag-take ay kargado na sila.
Kaya naman hindi kataka-takang puro positive reviews ang nakukuha ng MarVen sa acting nila sa film dahil talaga namang pinaghandaan at kinarir nila ito nang husto.
Napanood namin ang pelikula sa ginanap na premiere night sa SM North EDSA recently and we’d say, ito na ang best film ng MarVen so far.
Proud na proud din ang dalawa na maraming pumupuri sa pelikula at supe-thankful din sila sa direktor na si Gino Santos.
“We’re just so happy and so glad na si Direk Gino actually ang direktor namin kasi hindi lalabas ang galing namin, actually ni Marco, kung hindi dahil sa kanya. You know, ‘yung trust namin na binigay sa kanya talagang… nu’ng pinanood namin ‘yung film, it was so beautiful and we’re just so proud of this film,” sey ni Heaven sa panayam ng entertainment press.
Based from the best-selling book by Stanley Chi, showing na sa mga sinehan nationwide ang Men are from QC, Women are from Alabang.
Kasama rin sa pelikula sina Andrea del Rosario, Wilbert Ross, Rose Van Ginkel, Giselle Sanchez, Andrea Babierra, Andrew Gan at Peach Caparas.
Mula naman ito sa panulat nina Kiko Abrillo at Kristine Gabriel.