Kalusugan ng mga taga- QC prayoridad ni Vargas

Mar Rodriguez May 11, 2024
93 Views

Congressman Patrick Michael Congressman Patrick Michael Congressman Patrick MichaelPARA kay House Assistant Majority Leader at Quezon City 5th Dist. Congressman Patrick Michael “PM” D. Vargas prayoridad nito ang kalusugan ng kaniyang mga kababayan sa pamamagitan ng pagluunsad niya ng mga proyektong pang-kalusugan o “medical mission”.

Inilunsad ni Vargas ang nasabing medical mission sa kaniyang distrito sa pamamagitan ng mga libreng gamot, pagkakaloob ng reading glasses para sa mga kababayan nitong malabo ang mga mata, consultation, X-ray, blood chemistry, ECG, bakuna at iba pang medical services.

Ayon kay Vargas, mahalaga para sa kaniya ang mapangalagaan ang kalusugan ng kaniyang mga kababayan kaya nangunguna sa kaniyang “order of business” o listahan ng mga priorities nito ay ang pagkakaroon ng mga proyekto kaugnay sa medical mission gaya nito.

Hindi nakakaligtaan ng kongresista ang iba pang mga proyekto katulad ng infrastructure projects. Subalit iginigiit ni Vargas na ang kalusugan ng kaniyang mga constituents ang kaniyang priority sa lahat ng kaniyang mga proyekto dahil Narin sa kasabihan na “health is wealth”.

“Puwede tayong sandalan ng atng mga kababayan sa pamamagitan ng ganitong mga medical mission. Inilalapit natin ang serbisyong pang-kalusugan sa mga taga Novaliches para hindi na tayo mahirapan pa at lumabas ng ating komunidad para sa de-kalidad na serbisyo,” sabi ni Vargas.

Tiniyak naman ni Vargas na magtutloy-tuloy ang kaniyang paglilingkod at serbisyo sapagkat ang usapin ng kalusugan o health ang pinaka-mahalaga sa kaniya para mabigyan ng de-kalidad na serbisyong medical ang mga taga QC.