Calendar
37 opisyal ng lokal na pamahalaan umanib sa Lakas-CMD
DALAWANG alkalde ng bayan, tatlong bise alkalde, at 32 iba pang lokal na opisyal ang sumali sa Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).
Pinangasiwaan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, ang pangulo ng Lakas-CMD, ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong miyembro ng partido.
Sinabi ni Speaker Romualdez na ikinagagalak nitong tanggapin ang mga bagong kasapi na piniling maging bahagi ng Lakas-CMD, ang pinakamalaking partido na sumusuporta sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
“I am elated that your aspirations and goals align with ours in the party and in the Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, and with those of President Marcos,” ayon pa sa pinuno ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.
“With unity of purpose, we, together, can fulfill our dream of a better life for our constituents and our people in general,” dagdag pa ng mambabatas.
Kumpiyansa rin si Romualdez na magkaroon ng produktibo at masigasig na pag-uugnayan ang mga miyembro ng partido.
Kabilang sa mga nanumpang miyembro ang mga alkalde na sina Reynante Bautista ng Angat at Bartolome Ramos ng Sta Maria sa Bulacan, Bise Alkalde na sina Pablo Juan ng Sta. Maria at Arvin Agustin ng Angat, gayundin si Estelito Marabe of Malaybalay City, ng Bukidnon.
Kabilang din ang mga konsehal ng Bukidnon na sumapi sa Lakas-CMD sina Niko Aldeguer, Brian Flores, Zoltan Dinlayan, Kathleen Pagaling, Royland Orquia, Erwin Damasco, at Alan Legaspi, ng Malaybalay City;
Sina Reynard Encarguez, Jeorge Ostan at Vemencita Ocier mula sa bayan ng Cabanglasan; Jetaime Gumban, Jonathan Olana at Xenia Echeminado ng bayan ng Impasugong; Neil Luardo, Aurora Rubio at Rogelio Saway ng Lantapan; at Fernando Grafil, Richie Rabago, Benjie Gonzaga, at Dante Dy na mula naman sa munisipalidad ng San Fernando.
Kasama rin sa listahan ang 10 kasalukuyang konsehal at dalawang dating mga konsehal ng Bulacan ang umanib sa Lakas-CMD.
Sila ay sina William Vergel de Dios, Darwin Calderon, Evelyn Cruz, Melandro Tigas, Luis Santiago, at Ramiro Osorio lll mula sa bayan ng Angat; at Neil Mateo, Esperanza Ramos, Mark Angelo Clemente at Froilan Caguiat ng Sta. Maria, kasama din ang mga dating konsehal na sina Rico Sto. Domingo ng Sta. Maria and John Patrick Solis ng Angat.
Ang panunumpa ng mga bagong kasapi ay sinaksihan ng Lakas-CMD officials at ng mga mambabatas ng Mababang Kapulungan, kabilang na si Salvador Pleyto ng ikaanim na distrito ng Bulacan at Jonathan Keith Flores ng ikalawang distrito ng Bukidnon.