PBA PBA Commissioner Willie Marcial (kaliwa) at Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes. PBA photo

Kraken, PBA stars sasabak sa SEA Games

Robert Andaya Mar 13, 2022
364 Views

HINDI patatalo ang Pilipinas sa basketball sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo 12-23.

Bilang patunay, muling nagkasundo ang Philippine Basketball Association (PBA).at Samahang Basketball Pilipinas (SBP).na ipatawag ang 11 na pinakamagaling na PBA players para pangunahan ang 16-man roster na bubuo ng Gilas Pilipinas.

Napili ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes ang mga sikat na players na sina June Mar Fajardo at Mo Tautuaa ng San Miguel Beer, Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra, , Matthew Wright ng

Phoenix Super LPG, Kevin Alas ng NLEX, Robert Bolick ng NorthPort, Isaac Go ng Terrafirma at Troy Rosario, Poy Erram, Roger Pogoy at Kib Montalbo
ng Talk N Text.

Makasama nila ang mga cadets na sina Thirdy Ravena, Dwight Ramos, Lebron Lopez, Caelum Harris, at Will Navarro.

“This is the lineup that will give us the best chance of winning the gold in the SEA Games,” pahayag ni Reyes matapos i-anunsyo ang 16-man tean kasama si PBA commissioner Willie Marcial.

“We plan to bring all 16 players to Vietnam, if possible.”

Nagpasalamat din si Reyes kay Marcial at sa buong PBA family sa pagpapahiram muli ng mga PBA players para sa national team

“We are very, very happy, we are very fortunate, we are very thankful to commissioner Willie and the PBA Board for making available the following players,” dagdag ni Reyes.

Ito ang ika-dalawang sunod na kampanya sa SEA Games ni Fajardo,na mas kilala sa tawag na “Kraken”, pati na nina Aguilar at Wright, na naging parte ding Philippine team na nakasungkit ng gold medal sa 2019 SEA Games na ginawa sa bansa.

Gayundin, si Alas ay naglaro na sa gold medal-winning Philippine team sa 2013 edition na ginanap sa Myanmar.

Isusumite ng SBP ang 16-man line-up sa Philippine Olympic Committee (POC), na maghatid naman sa Vietnam SEA Games Organizing Committee bago ang kaukulang deadline.