Calendar
PBBM: Gamitin ang socmed para turismo, MSMEs maitaguyod
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na i-maximize ang paggamit ng social media para maitaguyod ang turismo at ang micro, small and medium enterprises (MSMEs).
Sa kanyang speech sa Iligan City, sinabi niya na hindi maikakaila na makapangyarihan ang social media.
Nasa P168.82 milyong financial assistance ang ipinamahagi ni Pangulong Marcos sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng El Niño sa Iligan City.
Malaki aniya ang maitutulong ng isang simpleng post para maitaguyod ang isang produkto o kaya ay isang tourist attraction sa bansa.
“Dito sa Iligan, alam kong sikat na pasalubong ang toasted peanut at palapa.
Kaya kung mayroon kayong dala diyan, picturan ninyo. Mag-selfie kayo kasama ng produkto tapos i-post ninyo sa social media,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“Simpleng bagay lang, pero napakalaking tulong niyan upang makilala at maipagmalaki ang inyong mga produkto at inyong lugar, lalo na at usong-uso ngayon ang social media sa karamihan sa atin ngayon,” dagdag ni Pangulong Marcos.