Adiong

Abante, Adiong iminungkahi: Tsinong diplomat na sangkot sa wiretap palitan

111 Views

NAGKASUNDO ang dalawang lider ng Kamara de Representantes na patalsikin sa bansa o palitan ang Chinese diplomat na sangkot umano sa pag-wiretap sa umano’y pag-uusap ng isang opisyal ng Chinese embassy at opisyal ng Armed Forces of the Philippines.

Suportado nina Manila Rep. Bienvenido Abante at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang pahayag nina Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. at National Security Adviser Sec. Eduardo Año na paalisin sa bansa ang mga opisyal na sangkot sa wiretapping sa umano’y pag-uusap kaugnay ng bagong kasunduan sa resupply mission sa Ayungin Shoal

“Sa totoo lang, in my own opinion, matagal na dapat nating inexpel yan eh. I mean saan ka nakakita ng Chinese diplomat na masama palagi sinasabi sa Pilipinas? You’re a diplomat di ba? I mean, dapat maganda palagi sa sinasabi mo eh,” ani Abante, chairman ng House Committee on Human Rights sa isang press conference.

“Pero whenever he would speak, he would always speak against our policy, against what we want. Sana naman kung diplomat siya, ang gagawin niya parang, ano yan eh, shuttle iyan, you’re shuttling between China and the Philippines. That is the work of a diplomat,” dagdag pa nito.

“Pero hindi eh. This Chinese diplomat is saying things against the Philippines, so dapat talaga i-expel na iyan – my own personal opinion,” sabi pa nito.

Para naman kay Adiong, chairman ng House Ad Hoc Committee on Marawi Rehabilitation and Victims Compensation, ang opisyal ng Chinese embassy na pumayag n i-wiretap ang pag-uusap ay dapat ding patalsikin sa bansa.

“Hindi ho puwede yan. Tama nga po yung sinabi ni Manong Benny, pag diplomat ka you have to present yourself diplomatically. Why do you need to tap? Ano ano ang intensyon mo? Of course, ang intensyon mo doon is to, ito ang ginagamit yata in espionage,” di ba?” saad ni Adiong.

“Bawal po yan, illegal po ‘yan sa atin. Pag diplomat ka, you have to be diplomatic, even in the way you act, the way you speak. And on the part of the Philippines, our country, I think it’s better also that we can ask China to send a better one,” wika pa nito.

Sinabi naman ni Adiong na ang relasyon ng Pilipinas at China ay hindi lamang sa isyu ng iligal na pagpasok ng mga sasakyang pangdagat nito sa West Philippine Sea.

“I believe andami ho nating bilateral agreements with China, on trade, etc. Hindi lang ho ang usapan dito between China and the Philippines is ang West Philippine Sea. We also have to look at the trade, malakas po ang trading natin with China,” sabi ni Adiong.

“Instead of promoting that and ensuring that these two countries have a healthy working relationship, sinisira mo by means of illegally wiretapping information that is classified, that can also be of national interest. Maybe China can send us a better one,” wika pa nito.