Calendar
Klase magbubukas sa Hulyo 29
Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbubukas ng klase sa Hulyo 29 para sa school year 2024-2025.
Ayon sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), tugon ito ni Pangulong Marcos sa panawagan ng publiko na ibalik na sa lumang school calendar ang pasok ng mga estudyante sa bansa.
Ayon sa PCO, matatapos ang klase ng mga estudyante sa Abril 15, 2025.
Inaprubahan ni Pangulong Marcos ang bagong school calendar sa ginawang sectoral meeting sa Malakanyang kasama si Vice President at Education Secretary Sara Duterte.
Simula na ito ng dahan-dahang pagbabalik ng school calendar kung saan ang pagbubukas ng klase ay kada buwan ng Hulyo at pagtatapos sa buwan ng Marso.
Sa naturang sectoral meeting, iprinisinta ni Duterte sa Pangulo ang dalawang opsyon para sa pagbabago ng calendar year, kung saan ang unang opsyon ay binubuo ng 180 school days na may 15 in person Saturday classes , habang ang ikalawang opsyon ay 165 school years na walang in person Saturday classes na parehong magtatapos ang School Year March 31, 2025.
Subalit , sinabi ng Pangulo na ang 165-day school calendar ay masyadong maiksi at mababawasan ang bilang ng school days at maaaring makompromiso ang resulta ng kaalaman ng mga estudyante.
Ayaw diin ni Pangulong Marcos na pumasok ang mga estudyante ng Sabado para makumpleto ang 180-day school calendar dahil malalagay sa alanganin ang well being ng mga estudyante at mga guro at nangangailangan din ng resources.
Dahil dito kaya inadjust ng DepEd ang pagtatapos ng klase mula sa Marso 31,2025 ay ginawa itong Abril 15,2025 para makumpleto ng mga estudyante ang 180 days kahit walang klase ng Sabado.
“Habaan lang natin ‘yung school days. Para matagal, dagdagan na lang natin ‘yung school days basta huwag natin gagalawin ‘yung Saturday . So, school day will remain the same. Standard lang,” pahayag ni Pangulong Marcos