Slasher

WSC 2 second round elims, lalarga na

139 Views

MAGSASAGUPA na ngayong araw ang mga bigating sabungero mula sa iba’t ibang panig ng mundo para sa pangalawang round ng elimination ng 2024 World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum.

Nasa 86 sultada ang nagsagupa para sa unang araw ng eliminasyon Myerkules ng gabi.

Ang mga kalahok na nakapagtala ng tig-dalawang panalo ay aabante 3-cock semi-finals sa Biyernes, Mayo 24, habang yung mga nakapagtala naman ng tig-isang panalo at isang talo ay mananatili pa rin sa laban para sa inaasam na titulo.

Sasagupa sa semi-final round sina Jaime Lim, RBM/Hilbert Crisistomo, Engr. Nemencio Quimado/Doc Nilo Magtibay/Niño Lorenzo Tobiano, Rey/ Boy Nita/Haponesa, Boyet Plaza/Malvin Cordeta, Mike Romulo/Owen Medina, Aries Alvarez/Jun Durano, Felix Trebol, Nestor Mercado/Lito Orillaza, Raymond Dela Cruz, Bulldog, Frank Berin/Jaronila/Baby Boy Singson, at Balong/RSF na merong tig-dalawang panalo at wala pa ring talo.

Pasok rin sa semi-finals sina Allan Villegas/Obet Bello, Joemarie Bantillo/Nico Rodelas/Rey Arenas, EP/Jimmy Rimando, Bobby Fernandez/ James Uy, and Presley De Jesus matapos makapagtala ng tig-isang panalo at isang tabla sa elimination round. Aabante rin sa susunod na round ang ibang mga kalahok na nakapagtala ng tig-isang panalo at isang talo.

Samantala, nasa 79 sultada naman ang nakatakdang magsagupa para sa ikalawang round ng elimination. Ang mga mananalo sa round na ito ay aabante naman sa 3-cock semi-finals sa Sabado, Mayo 25.

Ang mga magwawagi sa semi-finals ay aabante sa four-cock pre-finals sa Mayo 27 at grand finals sa Mayo 28 kung saan tatanghalin ang bagong kampeon ng World Slasher Cup.

Nasa 165 entries ang kalahok sa nasabing torneo para sa taong ito.

Sa mga nais na masaksihan nang live ang nasabing derby sa Smart Araneta Coliseum ay maaari po silang bumili ng ticket sa Ticketnet o di kaya sa www.worldslashercup.ph.