Calendar
A-TEAM launching wagi
Successful ang trade launch na isinagawa ng A-Team (Alcasid Total Entertainment & Artist Management) ni Ogie Alcasid last Thursday sa CWC Interiors sa BGC, Taguig.
Dumalo ang ilan sa malalaking artista at OPM singers natin tulad nina Martin Nievera, Randy Santiago, Streetboys, Ryan Bang, Amy Perez (isa sa hosts ng launch), Lara Maigue, Jed Madela and of course, hindi pwedeng mawala si Asia’s Songbird Regine Velasquez.
Inanunsyo ni Ogie sa nasabing event ang 21 shows na ipo-produce ng A-Team this year hanggang sa 2025. Nangunguna na rito ang big concert ni Martin sa Sept. 27 sa Araneta Coliseum, ang reunion concert ng Streetboys nina Vhong Navarro, Jhong Hilario, Danilo Barrios, atbp. sa Nov. 8 sa New Frontier Theater.
Kwento ni Ogie, hindi agad naniwala si Martin nang sabihin niya ang plano niyang big concert for him, ganu’ndin si Vhong when he offered the Streeboys reunion concert.
Biro naman ni Martin, “Ogie’s giving me a car, it’s what I’m told. It’s a car, it’s a bonus for this concert. No wheels, but a car.”
Tungkol naman sa Streeboys reunion, ani Ogie, nagsimula ito nang marinig niya sa dressing room na nag-uusap sina Vhong at Jhong.
“Nasa dressing room kami, naririnig ko sina Vhong, sina Jhong, they wanted to have a reunion and I said, ‘o, di produce ko na,’” tsika niya.
Inanunsyo rin ni Vhong sa event na pagkatapos ng mahabang panahon ay sasayaw ulit ang Streetboys sa stage nang kumpleto.
Magsisiuwian daw ang lahat ng mga kagrupo nilang nasa ibang bansa na tulad nina Spencer, Joseph, Sherwin at Michael.
“Kaya buo po ang Streetboys para sa inyong lahat,” ani Vhong.
For next year, nakaplano naman ang concert ni Noel Cabangon and friends titled String Fever, ang Power X3 featuring Jed Madela, Bituin Escalante and Poppert Bernadas, at ang apat na concert series at 12 musical shows ni Ogie.