MPBL

Huskers wala pa ding talo

Robert Andaya May 27, 2024
117 Views

WALA pa ding tatalo sa Quezon Huskers.

Bagamat kinailangan ang extra period, nakalusot ang Quezon laban sa Batangas Tanduay Rum Masters, 91-89, sa isang heavyweight battle sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season elimination round sa Quezon Convention Center sa Lucena City.

Isang matinding 8-0 blast mula sa back-to-back triples ni Xyrus Torres at drive ni Gab Banal ang kaagad bumura sa 79-77 lamang ng Rhumasters at nagbigay sa Huskers ng six-point lead, 85-79, na may 1:28 na lamang ang natitira sa extension.

Matapos idikit ng Batangas ang iskor sa 82-85, nagpakawala naman ang local hero na si Topeng Lagrama ng sarili niyang three-point shot na may 26.1 seconds nalalabi.

Ang kanilang eighth straight win ay nagtulak sa Quezon sa solo lead, lamang sa 7-0 ng San Juan Knights at Nueva Ecija Rice Vanguards.

Bahagya namang bumaba sa team standing ang Batangas sa 7-2.

Tulad sa overtime, humirit din ang Huskers ng siyam na dikit na puntos upang agawin ag 71-65 kalamangan na may 25.2 segundo ang natitira.

Gayunman, nakabawi ang never-say-die Rum Masters at umiskor ng five straight points para muling dumikit, 70-all.

At matapos ang two free throws ni LJ Gonzales ng Quezon, umiskor naman si MJ Dela Virgen ng three-pointer na may 5.1 seconds ang nasa orasan para dalhin ang laro sa overtime.

Ang dating MPBL MVP na si Banal ay nagtala ng 20 points, eight rebounds, six assists at two steals para sa Quezon.

Kasunod niya sina Gonzales, na may 19 points, four rebounds, three steals at two assists; Ximone Sandagon, na may 14 points at five rebounds; at NCAA Season 98 MVP Will Gozum, na may eight points, four rebounds at three assists for the Huskers.

Namuno sa Batangas sina Cedric Ablaza (20 points, 10 rebounds, three assists); Jong Baloria. (18 points, eight rebounds, three assists); Dela Virgen (13 points, seven assists, four rebounds, two steals); at Dawn Ochea (13 points, eight rebounds).