Survey

Bongbong numero uno pa rin, Leni laglag sa survey

Ivan Samson Mar 14, 2022
299 Views

WALANG humpay ang pangunguna sa survey ratings ng tumatakbong pagkapangulo na si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr..

Ayon sa pinakahuling survey ng Pulse Asia Research Inc., na isinagawa noong Pebrero 18-23, nananitili sa 60% ang voter preference ni Bongbong. Tambak ang kaniyang lamang sa katunggaling si Vice President Leni Robredo na nakakuhalamang ng 15%.

Bumaba ng isang puntos ang rating ni VP Leni na nakakuha ng 16% noong Enero. Samantala, nagtala si Manila Mayor Isko Merono ng 10%, Congressman Manny Pacquiao ng 8%, at Ping Lacson ng 2%.

Gayundin, ayon sa survey na isinagawa para sa National Capital Region (NCR), nakapagtala si Bongbong ng 66% voter preference. Ito ay mataas ng siyam na puntos sa kaniyang nakuha noong Enero o 57%.

Sa survey naman na isinagawa sa Mindanao, nakapagtamo si Bongbonb ng 68% voter preference para sa Pebrero, mataas ng dalawang puntos noong Enero kung saan siya ay nakakuha ng 66%.

Samantala, kumpirmado ang “Solid North” pabor sa mga Marcos. Base sa isinagawang kaparehas na survey sa Luzon, siya ay nakapagtala ng 58%.

Sa kabila ng mataas na mga rating na iwinawagi ni Bongbong ang siyang pagsadsad ng sa katunggali niya na si VP Leni.

Si Robredo ay sumadsad ng 1 porsyento sa CAR; 7 porsyento sa Region 1 at 6 porsyento sa Region 2.

Lamang din ng malaki si Marcos sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) matapos makapagtamo ng 47% voter preference.

Ito ay sa kabila ng kaliwa’t kanang paglabas ng mga paninira kay Bongbong mula sa tagasuporta ni VP Leni. Ayon sa tambalang Bongbong-Inday Sara, hindi sila sa sangguni sa“negative campaigning” upang mapataas ang kanilang mga rating. Ito ay sa kadahilanang layunin ng UniTeam ang isang nagkakaisang pamumuno upang mapaunlad ang bansa matapos nitong sagupain ang pandemya at iba pang suliranin sa ekonomiya.