Greg Manila-Rizal battle sa MPBL.

Manila, ‘Gregzilla’ nanalasa

Robert Andaya May 31, 2024
196 Views

HETO na si Gregzilla.

Nagpasiklab muli ang dating PBA player na si Greg Slaughter at nagpakita ng kakaibang sigla at lakas ang Manila Stars sa 75-67 panalo laban sa Rizal Xentromall sa pagpapatuloy ng MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa WES Arena sa Valenzuela City.

Ang 7-0 na si Slaughter, na tinatawag ding “Gregzilla” nung naglalaro pa sa Barangay Ginebra sa PBA, ay nagtala ng 16 points, 19 rebounds, five assists at two blocks para sa Manila, na umakyat pa sa 7-4 sa team standings.

Nakatuwang ni Slaughter sa panalo sina Carl Bryan Cruz, na gumawa ng 20 points, four rebounds at two blocks; Fil-Am DJ Mitchell, na may 10 points, five rebounds at five assists; Pao Javelona, na may nine points, five rebounds at four assists; at Jan Jamon, na may eight points at four rebounds.

Ang Rizal, na bumaba sa 6-4 win-loss, ay sumandal kina Keith Agovida (20 points, eight rebounds, three steals) at Charles Dela Cruz (10 points) at Alwyn Alday (10 points).

Ang MPBL, na itinuturing na “Liga ng Bawat Pilipino”, ay itinataguyod ni Sen. Manny Pacquiao sa tulong ni Commissioner Keneth Duremdes.

Ang liga ay binubuoi ng 29 teams, na nahahati sa dalwang divisions.

The scores:

Manila (75) — Cruz 20, Slaughter 16, Mitchell 10, Javelona 9, Jamon 8, Hanapi 5, Navarro 3, Tempra 2, Umali 2, Cuya 0, Escandor 0, Flores 0, Gonzaga 0, Al-Hussaini 0, Battaler 0.
Rizal (67) — Agovida 20, Alday 10, Dela Cruz 10, Villoria 9, Pingoy 5, Casino 5, Balagtasa 4, Alonzo 2, Jimenez 2, Argente 0, Bernardo 0, Timajo 0, Davis 0, Serrano 0, Apacible 0.
Quarterscores: 24-10, 42-26, 60-51, 75-67.