Calendar
Winning streak ng South Cotabato tuloy
PATULOY ang winning streak ng South Cotabato Warriors.
Sa pamumuno nina Mark Cruz at Christian Fajardo, naungusan ng South Cotabato ang Quezon City TODA Aksyon, 65-62, sa isang pukpukang sagupaan sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa Calasiao Sports Complex sa Pangasinan.
Si Cruz ay gumawa ng 14 points, five rebounds at four assists habang si Fajarito ay nagtala ng double-double na 11 points at 10 rebounds para sa Warriors, na umakyat sa 8-3 record matapos ang kanilang ika-limang sunod na panalo sa round-robin elimination phase ng prestihiyosong 29-team tournament.
Ang Quezon City, na lumamang pa ng 15 points laban sa South Cotabato, ay pinangunahan nina Rafael Are (15 points, four rebounds, four 4 assists) at Josan Michael Nimes (10 points).
Bagamat nabigong hawakan ang kanilang kalamangan, may pagkakataon pa ang Quezon City na dalhin sa laro sa overtime.
Subalit nag-mintis si Are ng isa sa kanyang dalawang free throws para 62-63 score, na may 8.3 seocnds ang nalalabi.
Dalawang free throws ni Enzo Joson ng South Cotabato ang tumiyak ng panalo ng Warriors.
Dahil dito, nalugmok pa ang Quezon City sa 4-6 record.
The scores;
South Cotabato (65) — M.Cruz 14, Fajarito 11, Dionisio 9, Joson 8, Jamito 6, Acuna 6, Dumapig 5, Elorde 3, J.Cruz 3, Rodriguez 0, Tolentino 0, Mahaling 0, Lantaya 0, Landicho 0, Apreku 0.
Quezon City (62) — R.Are 15, Nimes 10, Mosuqeda 8, Tauto-An 7, Sawat 6, Cauilan 5, Tibayan 3, M.Are 2, Roman 2, Ballesteros 2, Bienes 2, Cosari 0, Lo 0, Sera Josef 0, Reyes 0.
Quarterscores: 10-20, 28-39, 45-45, 65-62.