Calendar
Chinese national dineport dahil wanted sa gambling sa Beijing
ISANG Chinese national na wanted sa Beijing dahil sa illegal gambling ang naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang suspek na si Wang Yilin, 37. Naaresto ang Chinese sa NAIA 3 terminal nang dumating sakay ng Thai Airways mula sa Bangkok, Thailand.
Hindi na pinayagan si Yilin na pumasok sa bansa at agad inaresto ng immigration officer makaraang makita sa Interpol red notice list.
Pinadeport agad si Wang sa Guangzhou alinsunod sa hiling ng Chinese government.
Kasama ni Wang sa biyahe ang limang Chinese police escorts na dumating para sumundo sa kanya.
“We granted the request of the Chinese embassy that he be sent back to China and stand trial for his alleged crimes,” saad ni Tansingco.
Ayon sa BI-Interpol, ang warrant para kay Wang inilabas ng Bengbu municipal public security bureau sa Anhui province, China.
Lumitaw sa imbestigasyon na nakipagsabwatan si Wang sa isa pang suspek sa pagpapatakbo ng sindikato na nag-ooperate ng gambling platform sa Internet.
Karamihan sa mga kliyente ni Wang sangkot sa online gambling tulad ng baccarat na paglabag sa China’s anti-gambling laws.