MPBL Pangasinan-Mindoro game sa MPBL.

Pangasinan pinayuko ang Mindoro

Robert Andaya Jun 13, 2024
147 Views

BAHAGYA lamang pinagpawisan ang Pangasinan Heatwaves bago tuluyang itumba ang Mindoro Tamaraws, 81-62, para sa kanilang ika-apat na panalo sa 12 laro sa sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa FPJ Arena sa San Jose, Batangas.

Nagsanib pwersa sina Ralph Robin , Ian Melencio at Ed Daquiaog para pangunahan ang balanseng atake ng Pangasinan, na lumamang pa ng 23 puntos, 64-41, bago ang panalo.

Si Robin ay nagpasiklab sa kanyang 21 points at three rebounds, si Melencio ay may 12 points, eight assists at four rebounds, at si Daquiaog ay may 10 points para sa Heatwaves ni multi-titled coach Jerson Cabiltes.

Bumagsak ang Mindoro sa 4-9 kartada sa kabila ng 17 points, four assists at three rebounds ni Ken Bono at 11 points, four rebounds at three assists ni homegrown star John Jerrick Caspe.

Dadayo ang MPBL sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga, na kung saan magtutuos ang Bicol at Bacolod simula 4 p.m., Iloilo at South Cotabato sa 6 p.m. at Davao at host Pampanga sa 8 p.m.

Ang MPBL, na tinatawsg ding “Liga ng Bawat Pilipino”, ay itinataguyod ni Sen.Manny Pacquiao sa tulong ni Commissioner Kwnneth Duremdes.

The scores:

Pangasinan (81).– Robin 21, Melencio 12, Daquiaog 10, Bautista 8, Mabulac 6, Dyke 5, Gania 4, Gabo 4, Villamor 4 Meneses 3, Tolentino 2, Caasi 2, Taganas 0, Javillonar 0, Tan.

Mindoro (62) – Bono 17, Caspe 11, Vaygan 8, Rios 6, Lopez 4, Olivares 4, Teodoro 4, Estrella 3, Pena 3, Reyes 2, Marquez 0, Desiderio 0, Ariar 0, Huerto 0, Pableo 0.

Quarterscores: 30-11, 50-32, 64-48, 81-62.