BBM2 Nag-courtesy call si. Hungarian Minister of Foreign Affairs and Trade Péter Szijjártó kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang Palace nitong June 13, 2024. PPA POOL ni Ryan Baldemor

PBBM pagusumikapang magkaroon ng bagong partnership PH, Hungary

Chona Yu Jun 13, 2024
103 Views

BBM3BBM4BBM5PINAGSUSUMIKAPAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magkaroon ng bagong partnership ang Pilipinas at Hungary.

Ito ay para mapalakas ang economic ties ng dalawang bansa.

“I’m very happy to welcome you once again to the Philippines,” pahayag ni Pangulong Marcos nang mag-courtesy call sa Palasyo ng Malakanyang si Minister of Foreign Affairs and Trade of Hungary, His Excellency Péter Szijjártó.

“The 50th commemoration of our formal ties, and I hope that with all that is happening around the world and all of the opportunities, of course there are challenges, and all the opportunities also that is – that we’ll be able to hopefully forge new relationships,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Nagsimula ang diplomatic relations ng Pilipinas at Hungary noong September 28, 1973.

Una nang bumisita sa bansa si Szijjártó sa Manila noong 2017.

Nagpasalamat naman si Szijjártó sa mainit na pagtanggap ni Pangulong Marcos.

“Mr. President, thank you so much for receiving me. Thank you so much for the invitation. You have great secretaries with whom I’ll be working together for a long time. This is the third occasion that I have the honor to visit your fantastic country,” pahayag ni Szijjártó.

Nabatid na ang Hungary ang ika-46 na trading partner ng Pilipinas. Ika 30 partner sa export market.

Nasa 16,098 Filipinos ang nasa Hungary kung saan karamihan ay nagtatrabaho bilang automotive technicians, machine operators, drivers, forklift operators, hotel workers, farm workers, warehouse workers, logistics operators at truck drivers.