Martin

Speaker Romualdez binati mga Pilipino-Muslim sa pagdiriwang ng Eid Al-Adha

85 Views

BINATI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga Pilipino Muslim sa kanilang pagdiriwang ng Eid Al-Adha na isa umanong paalala ng kahalagahan ng pakikiramay sa kapwa.

“Isang mapayapa, makahulugan at makabuluhang pagbati sa ating mga kapatid na Muslim sa pagdiriwang ng Eid Al-Adha!” ani Speaker Romualdez, ang lider ng Kamara de Representantes na mayroong mahigit 300 kinatawan

“Batid nating isa itong sagradong okasyon at panahon ng pananalangin, debosyon at pagkakaisa sa komunidad sa ngalan ng pagsasakripisyo at pananampalataya ng mga kapatid nating Muslim sa buong bansa,” dagdag pa nito.

Umaasa si Speaker Romualdez na ang Eid Al-Adha ay magbigay ng oportunidad para sa personal na debosyon at pagkakataon upang magkaisa ang komunidad

“I sincerely hope this festive season brings abundant blessings of peace and prosperity to your families and communities. May your homes be filled with joy and may your prayers for harmony and well-being be answered,” saad pa nito.

“This occasion reminds us of the values of compassion, selflessness and generosity, of being one in prayer and sacrifice to show unwavering faith. It is a time to strengthen the bonds of kinship and friendship, and to reach out to those in need. Let us embrace these values in our daily lives and work towards building a more inclusive and caring society,” ayon pa sa kanya.

Bagamat ang Pilipinas ay binubuo ng iba’t ibang kultura at pananampalataya, sinabi ni Speaker Romualdez na “ang ating lakas ay nagmumula sa ating pagkakaisa at paggalang sa kanya-kanya nating mga paniniwala.”

Ayon pa sa lider ng Kamara, “Ang Eid Al-Adha ay isang paalala ng ating mayamang mga tradisyon na ating ipinagmamalaki at lubos na ipinagdiriwang.”

Sa pagkilala sa mahalagang araw na ito, sinabi ni Speaker Romualdez na isipin din ang kinakaharap na hamon ng bansa at magsama-sama sa pagtaguyod ng isang mapayapa at maunlad na hinaharap.

“May this Eid bring an abundance of blessings, not only in spiritual fulfillment but also in the form of good health, happiness and success. I join you in your prayers for a peaceful and prosperous future for all Filipinos,” sabi pa nito.

“Eid Mubarak, everyone! May the blessings of Eid Al-Adha fill your hearts with peace and joy, and may your faith be strengthened as we continue to build a better and more united nation!” dagdag pa nito.