Calendar
Magsino puspusan ang pakikipag-pulong sa mga lider ng South Korea
𝗣𝗨𝗦𝗣𝗨𝗦𝗔𝗡 𝗮𝗻𝗴 𝗴𝗶𝗻𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝗽𝗮𝗴-𝘂𝗴𝗻𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗶 𝗢𝗙𝗪 𝗣𝗮𝗿𝘁𝘆 𝗟𝗶𝘀𝘁 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝘀𝘀𝗮 “𝗗𝗲𝗹 𝗠𝗮𝗿” 𝗣. 𝗠𝗮𝗴𝘀𝗶𝗻𝗼 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗹𝗶𝗱𝗲𝗿 𝗻𝗴 𝗦𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗞𝗼𝗿𝗲𝗮 𝘂𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗯𝗶𝗴𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗿𝗮𝗺𝗽𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗼𝘁𝗲𝗸𝘀𝗶𝘆𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗯𝗼-𝗹𝗶𝗯𝗼𝗻𝗴 𝗢𝘃𝗲𝗿𝘀𝗲𝗮𝘀 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗪𝗼𝗿𝗸𝗲𝗿𝘀 (𝗢𝗙𝗪𝘀) 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗴𝘁𝗮-𝘁𝗿𝗮𝗯𝗮𝗵𝗼 𝘀𝗮 𝗻𝗮𝘀𝗮𝗯𝗶𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮.
Nakipagkita at nakipag-pulong si Magsino kamakailan kay Seongnam, South Korea Mayor Shin Sang-Jin para pag-usapan ang pagbabalangkas ng mga inisyatiba at patakaran o policies upang mas lalo pang mabigyan ng nararapat na proteksiyon ang mga OFWs at para narin mapangalagaan ang kanilang interes o welfare.
Ayon kay Magsino, ang binigyang diin o naging “higlight” sa ginanap na pakikipag-pulong nito kay Mayor Sang-Jin ay ang kahalagahan ng pagbibigay ng komprehensibong suporta o “support system” para sa mga OFWs kabilang na dito ang pagkakaloob ng healthcare, legal assistance at community integration programs.
Naniniwala si Magsino na naging malusog at prodaktibo ang naganap na pulong matapos kapwa nila ipahayag (Magsino at Mayor Sang-Jin) ang kanilang commitment para magkaroon ng proteksiyon ang mga OFWs sa South Korea kabilang na ang paglikha ng isang “supportive environment” para sa mga nasabing Pilipino workers.
“The meeting highlited the importance of providing comprehensive support systems including healthcare, legal assistance and community integration programa for OFWs. We both expressed a shared commitment to fostering a safe and supportive environment for Filipino workers. Ensuring their rights are protected and their contributions to local economy are recognized and valued,” ayon kay Magsino.
Nauna rito, sinabi ng kongresista na tinatayang nasa $834.74 million ang nai-aambag ng 34,143 OFWs na naninirahan at nagta-trabaho sa South Korea sa ekonomiya ng Pilipinas matapos itong mabanggit ni Magsino sa kaniyang mensahe kaugnay sa “Pistang Pinoy 2024” sa nasabing bansa.
Binigyang diin ni Magsino ang napaka-halagang papel o “crucial role” na ginagampanan ng mga OFWs sa South Korea sa pamamagitan ng pagpapanatili nila sa katatagan ng ekonomiya ng Pilipinas bunsod ng kanilang malaking kontribusyon sa kaban ng bansa sa pamamaraan ng ipinapadala nilang remittances.