Valeriano

Panawagan ni SFMR sa PN at PCG, kinatigan ni Valeriano

Mar Rodriguez Jun 19, 2024
83 Views

𝗞𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗻𝗶 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝟮𝗻𝗱 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗥𝗼𝗹𝗮𝗻𝗱𝗼 “𝗖𝗥𝗩” 𝗠. 𝗩𝗮𝗹𝗲𝗿𝗶𝗮𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗯𝗶𝗻𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗮𝘄𝗮𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗶 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗦𝗽𝗲𝗮𝗸𝗲𝗿 𝗙𝗲𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗱 𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗻 𝗚𝗼𝗺𝗲𝘇 𝗥𝗼𝗺𝘂𝗮𝗹𝗱𝗲𝘇 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝘁𝗮𝘂𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗡𝗮𝘃𝘆 (𝗣𝗡) 𝗮𝘁 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗖𝗼𝗮𝘀𝘁 𝗚𝘂𝗮𝗿𝗱 (𝗣𝗖𝗚) 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗶𝗴𝘂𝗿𝗮𝗱𝘂𝗵𝗶𝗻 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗸𝗮𝗽𝗮𝗻𝗴𝗶𝘀𝗱𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗣𝗶𝗻𝗼𝘆 𝗳𝗶𝘀𝗵𝗲𝗿𝗺𝗲𝗻 𝘀𝗮 𝗪𝗲𝘀𝘁 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗦𝗲𝗮 (𝗪𝗣𝗦).

Ayon kay Valeriano, napapanahon na para mabigyan ng nararapat o kaukulang proteksiyon ang mga Pilipinong mangingisda sa WPS. Masyado na aniya silang agrabyado bunsod ng walang pakundangang pambu-bully at harassment na gunagawa ng Chinese Coast Guard (CCG).

Binigyang diin ni Valaeriano na tinatanggalan ng karapatan ng China ang mga Pilipinong mangingisda na makapangisda sa kanilang sariling karagatan o sa teritoryo mismo ng Pilipinas matapos itong magbigay ng babala na kanilang aarestuhin ang sinomang mangangahas na makapangisda Bajo de Masinloc na sakop ng teritoryo ng Pilipinas.

Iginigiit ng kongresista na kailangan na ng suporta at tulong ng PN at PCG para mabigyan ng kaukulang proteksiyon ang mga mangingisdang Pilipino na ang tanging hangad lamang ay maipagpatuloy ang kanilang payak na hanap-buhay.

Sabi pa ni Valeriano, panahon na para magpakita ng tapang ang mga Pilipino hindi sa pamamagitan ng “mata sa mata” o “ngipin sa ngipin” o kaya’y isang mapusok na komprontasyon. Bagkos, sa pamamaraan ng pag-assert sa ating karapatan na makapangisda sa ating sariling teritoryo.

Paliwanag pa ni Valeriano, ang papel na gagampanan ng PN at Coast Guard ay ang tiyakin na walang mangingisda ang mahuhuli ng Chinese Coast Guard sa kabila ng kanilang banta na huhulihin nila ang sinomang papasok sa kanilang teritoryo na nagsimula noong Hunyo 15, 2024.

Samantala, nagpa-abot naman ng taos-pusong pasasalamat ang libo-libong residente ng Disrrict 2 sa Maynila kay Valeriano dahil sa kaniyang walang kapagurang paglilingkod para sa kaniyang mga kababayan.