Rodriguez

Pamamahagi ng relief goods sa mga biktima ng sunog sa Tondo pinangunahan ng Act Agri-Kaagapay

149 Views

Rodriguez1PINANGUNAHAN ng Act Agri- Kaagapay organization ang pamamahagi ng daan-daang relief goods upang makatulong sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog na naganap sa Tondo, Manila kamakailan.

Mismong si civic leader at philanthropist Virginia Ledesma Rodriguez ang nanguna sa Act Agri-Kaagapay sa pagkakaloob ng mga relief packs sa mahigit 600 pamilya na nabiktima ng tatlong oras na sunog na tumupok sa nasa 100 tahanan sa Coral St., Tondo, Manila noong Hunyo 17, 2024.

Nabatid na bawat benepisyaryong pamilya ay tumanggap ng mga groceries, bottled water, pagkain at mga gamot.

Sa naturang distribusyon ng relief goods, pinasalamatan rin naman ni Rodriguez ang mga residente, Bureau of Fire Protection (BFP) at iba’t ibang fire volunteer brigades para sa kanilang agarang tugon at tulong sa pag-apula ng apoy.

Sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan na rin si Rodriguez, na founder at pangulo ng Act Agri-Kaagapay organization, sa mga local government officials at sa National Housing Authority (NHA) upang i-assess ang pangangailangan ng mga pamilya na kuwalipikado sa housing assistance.

Nangako rin siya na magkakaloob ng livelihood assistance sa mga apektadong pamilya upang matulungan ang mga ito na makabangon mula sa kasalukuyang problemang kinakaharap dahil sa naganap na sunog.

Ang iba pang mga aktibidad ng ACT Agri Kaagapay ay maaaring makita as kanilang Facebook page na Queen Vi Rodriguez.