PCG

PCG inabot ng 12 oras sa pag-rescue sa mga tauhan ng AFP sa Ayungin Shoal

Chona Yu Jun 21, 2024
91 Views

INABOT ng mahigit 12 oras ang pag-rescue ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na sakay ng barko na binangga ng Chinese Coast Guard sa Ayungin Shoal.

Sinabi ni National Task Force for the West Philippine Sea spokesman Commodore Jay Tarriela na alas-10:00 ng umaga noong Hunyo 17 nang makatanggap’ ng tawag ang PCG na may nasugatang sundalo.

“It took us more than 12 hours to retrieve our injured personnel on board BRP Sierra Madre,” pahayag ni Tarriela.

Ipinadala ng PCG ng BRP Cabra at BRP Bagacay para saklolohan ang sasakyang pandagat ng AFP na hinila ng Chinese Coast Guard (CCG) para magsagawa ng medical mission.

Walong sundalo ang nasugatan sa naturang insidente kung saan ang isa naputulan ng daliri.