Valeriano

Suporta ng mga kongresista sa mga susunod pang BPSF, mananatili – Valeriano

Mar Rodriguez Jun 22, 2024
250 Views

𝗕𝗜𝗦𝗟𝗜𝗚 𝗖𝗜𝗧𝗬 (𝗦𝘂𝗿𝗶𝗴𝗮𝗼 𝗱𝗲𝗹 𝗦𝘂𝗿) – 𝗕𝗶𝗻𝗶𝗴𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗶𝗶𝗻 𝗻𝗶 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝟮𝗻𝗱 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗥𝗼𝗹𝗮𝗻𝗱𝗼 “𝗖𝗥𝗩” 𝗠. 𝗩𝗮𝗹𝗲𝗿𝗶𝗮𝗻𝗼 𝗻𝗮 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮𝘀𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼 𝗙𝗮𝗶𝗿 (𝗕𝗣𝗦𝗙) 𝘀𝗮 𝗶𝗯𝗮’𝘁-𝗶𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀 m𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝘁𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗸𝘂𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁𝘁𝗲𝗻𝗱𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗼𝗻𝗴𝗿𝗲𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗶𝗽𝗮𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗼𝗹𝗶𝗱𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝘀𝗮 𝗮𝘁 𝘀𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝗻𝗶𝗹𝘂𝗹𝘂𝗻𝘀𝗮𝗱 𝗻𝗮 “𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼 𝗖𝗮𝗿𝗮𝘃𝗮𝗻” 𝗻𝗴 𝗴𝗼𝗯𝘆𝗲𝗿𝗻𝗼.

Ayon kay Valeriano, chairperson ng House Committee on Metro Manila Developmentm gaya ng ipinakita nilang suporta sa Tagum City, Davao del Norte kamakailan, ipagpapatuloy pa rin nila ang kanilang “unity” o pagkakaisa upang ipakita kay President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. at House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez ang kanilang suporta para sa mga isasagawang BPSF.

Sabi ni Valeriano, hindi natatapos sa Tagum City at Bislig City ang pagpapakita nila ng suporta para sa BPSF. Naniniwala at naninindigan silang mga kongresista na malaki ang naitutulong ng BPSF sa mga mahihirap na mamamayan.

Muling pinapurihan ni Valeriano sina President Marcos, Jr. at Speaker Romualdez dahil sa tagumpay ng BPSF sa Bislig City kung saan 90,000 befeciaries ang nabahaginan at nakinabang sa inilunsad na BPSF sa nasabing lalawigan na dinaluhan ng 77 miyembro ng Kamara de Representantes kabilang na si Valeriano.

Bilang pagpapakita ng kanilang solidong suporta para sa BPSF na inilunsad ni PBBM, tinatayang 77 miyembro ng Kamara de Representantes ang nagtungo at muling nagpamalas ng kanilang “show of force” sa idinaos na “Serbisyo Caravan” Biyernes, June 21, sa Bislig City, Surigao del Sur na pinangunahan ni Speaker Romualdez.

Malugod na ipinahayag ni Speaker Romualdez ang kaniyang lubos na kagalakan makaraang muling makitang “full force” ang mga kongresista sa pagdalo nila sa BPSF sa Bislig City na isang malinaw na testamento ng kanilang nagkakaisang suporta patungkol sa isinusulong na programa ni President Marcos, Jr. upang maiangat ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga mahihirap na mamamayan.

“I can speak for each amd every one of the lawmakers who were present in the Surigao del Sur BPSF that we are all in awe of how much this revolutionary program is helping our citizens in so many ways,” sabi ni Speaker Romualdez sa ginanap na BPSF sa Bislig City.